27.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

Pahayag ng kalihim patungkol sa Jan 2024 Labor Force Survey ng PSA

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIBIGYAN ng buong pansin at kinikilala ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo ang huling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) patungkol sa Enero 2024 Labor Force Survey, kung saan bumaba ng 1.4 na puntos ang employment rate mula 96.9 porsiyento noong Disyembre ng 2023 sa 95.5 porsiyento sa buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.

Kumpara sa Enero ng taong 2023, kung saan may 95.2 porsiyento na employment rate ang huling tala ng employment rate ay mas mataas ng 0.3 o 95.5 porsiyento at ang unemployment rate na 4.5 porsiyento noong Enero 2024 naitala ay mas mababa ng 0.3 puntos na 95.8 porsiyento noong Enero ng 2023. Kaugnay nito, pinagtutuunan ng pansin ng Kagawaran ang naitalang 228 libong pagbaba ng bilang ng walang trabaho – mula 2.378 milyon noong Enero ng nakalipas taon tungo sa 2.150 milyon ngayong Enero. Ang pagbabang ito ay napakalaking bagay at pagpapatunay ng patuloy na paglakas ng ating ekonomiya. Ang kasalukuyang unemployment rate ay nananatiling nasa loob ng 4-5 porsiyento target alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Bukod dito, nais nating bigyang diin na ang huling ulat ng PSA ay base sa iba’t ibang kadahilanan na nakakaapekto sa pagbabago sa larangan ng trabaho at empleo. Una, ang 37.44 porsiyento ng kabuuang walang hanapbuhay sa huling tala ay mga

kabataan edad 15-24, na kung ating susuriin ay maaaring bumalik na sa mga paaralan. Kaya naman ito ay maituturing na isa sa mga dahilan ng pagbaba ng labor force participation rate.

Gayunpaman, nais ng Kagawaran na ipabatid sa lahat na alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028, sa Philippine Labor and Employment Plan 2023-2028 at sa Trabaho Para sa Bayan Act, ang mga programang makatutulong sa ating mga

kababayan na namumuhunan at nabibilang sa mga “micro, small, at medium enterprises” o MSMEs upang lalong mapaunlad ang kanilang negosyo at para sa kanilang mga manggagawa na mabigyan ng kaukulang pagsasanay o “training” ay patuloy na isinusulong upang maiangat ang antas ng kasanayan at maging mas produktibo sa kani-kanilang mga trabaho.

Bukod dito, ang mga programang pangkabataan o youth employability programs ng Kagawaran katulad ng Special Program for Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP) at JobStart Philippines ay ating malawakang

ipinatutupad sa pamamagitan ng ating mga Regional Offices, na naglalayong bigyan ng kaukulang karanasan at malinang ang kakayahan ng ating mga kabataan upang sila’y maging handa sa pagpasok sa mundo ng paggawa.

Bahagi rin sa mga tulong na ipinagkakaloob ng Kagawaran ang mga programang pangkabuhayan sa ating mga kababayan na nais subukan ang pagnenegosyo na maaring makatulong sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Kaya naman ating inaanyayahan ang lahat na mag-rehistro sa ating PhilJobNet (https://philjobnet.gov.ph) o maaring magpunta sa pinakamalapit na Public Employment Service Office o PESO sa inyong mga lokal na pamahalaan para sa mga mahalaga at kapaki-pakinabang na impormasyon ukol sa mga bakanteng trabaho na matatagpuan malapit sa inyong lugar.

Kaisa ng manggagawang Pilipino at namumuhunan ang Kagawaran patungo sa isang maganda at maunlad na pamumuhay sa

Bagong Pilipinas.

SECRETARY BIENVENIDO E. LAGUESMA

Department of Labor and Employment

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -