28.6 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Recto kinumpirma bilang kalihim ng DoF, mga senador binati siya

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG binati si Sec. Ralph Recto ng mga Senador sa pagka-kompirma sa kanya bilang bagong kalihim ng Department of Finance.

Mga larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

Ayon kay Senate President Miguel Juan “Migz” Zubiri, “Congratulations po sa ating kaibigan na si Sec. Ralph Recto on the confirmation of his ad interim appointment as our Secretary of Finance!

“Malaki po ang tiwala natin kay Sec. Ralph — hindi lang dahil henyo siya sa mga numero, pero dahil matagal na natin siyang kasama sa Senado at alam natin na kaya niyang itulay ang economic growth ng bansa sa araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino.

“There is no better person to head the Department of Finance than Sec. Ralph. Congratulations!”

Ganoon din ang pagbati ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.

“Congratulations po sa ating senior brod at idol Secretary Relph Recto sa unanimous confirmation ng kanyang ad interim appointment bilang Secretary ng Department of Finance.

Dahil po sa kanyang 32 taong karanasan bilang lingkod bayan, buong-buo po ang ating suporta at tiwala kay Secretary Ralph na magagampanan niyang mabuti ang tungkulin niyang makapagpatupad ng mga polisiya na makakatulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

Mabuhay ka senior brod Sec Ralph!”

Pinuri rin ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda si Recto.

“I am honored to co-sponsor Ralph Gonzalez Recto’s confirmation as Secretary of the Department of Finance (DoF). Having worked closely with him for two terms in the Senate, I’ve witnessed his unwavering dedication to public service and his exceptional leadership. “Together, we’ve championed laws for the betterment of Filipinos, a testament to his leadership and dedication. His credentials, from Senate leadership roles to spearheading economic plans, underscore his capability.

“His appointment as the Secretary of the Department of Finance is not merely a selection of a capable leader but a testament to the trust placed in his ability to navigate complex economic challenges and foster prosperity for all Filipinos. With his integrity and diligence, his leadership of the Department of Finance will embody a vision of inclusive growth and transparent governance for the nation.”

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -