28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Sen Zubiri: Hulihin ang namimigay ng pekeng dokumento

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBABALA si Senate President Miguel Juan Zubiri sa mga namimigay ng mga pekeng dokumento sa mga foreign nationals.

Mariin niyang sinabi sa kanyang Facebook page post, “Hulihin ang mga namimigay ng pekeng dokumento at government ID sa mga foreign nationals.

“Sa Blue Ribbon Committee Hearing kahapon, tinugis natin ang mga insidente ng foreign nationals na nabibigyan ng pasaporte gamit ang mga dokumento mula sa gobyerno – partikular na ang PSA birth certificate.

“Gayon din ang paggamit ng mga foreign nationals ng iba pang identipikasyon gaya ng PhilHealth IDs. Labag sa batas iyon. Hindi po tama na magamit nila ang pribilehiyo na para lamang sa mga mamamayan at taxpayer ng ating bansa. Nanawagan tayo sa mga ahensiya na mas paigtingin ang pag-imbestiga at pagsampa ng kaso sa mga dapat managot para matigil na ang ganitong mga insidente.

“Patuloy po nating iimbestigahan ang modus na ito para mapigilan ang paglaganap nito.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -