30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

Nabibili na ba ang pagka-Pilipino?

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA ng public hearing ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigation (Blue Ribbon) tungkol sa Unauthorized Proliferation and Use of Government Documents by Foreign Nationals (e.g. Certificates of Live Births, passports and tax identification number) na pinangunahan ni Senador Pia Cayetano, chairman ng Blue Ribbon Committee kasama sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Win Gatchalian.

Nabibili na ba ang pagka-Pilipino? Ito ang itinanong ni Sen Pia Cayetano sa isinagawang hearing.
Paliwanag pa ni Sen Pia Cayetano, “In our Blue Ribbon hearing, we investigated cases of foreigners having Philippine birth certificates and passports.” (“Sa aming Blue Ribbon hearing, inimbestigahan namin ang mga kaso ng mga dayuhan na mayroong Philippine birth certificate at passport.”)

Dagdag pa niya, “In some cases, the Bureau of Immigration discovered foreigners holding Philippine passports who were not Filipinos. In other cases, it was revealed that a Filipino’s identity was stolen by a foreigner using a Philippine passport.” (“Sa ilang mga kaso, natuklasan ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang may hawak na pasaporte ng Pilipinas na hindi mga Pilipino. Sa ibang mga kaso, nabunyag na ang pagkakakilanlan ng isang Pilipino ay ninakaw ng isang dayuhan gamit ang isang pasaporte ng Pilipinas.”)

Samantala, ito ang sinabi ni Sen. “Bato” Dela Rosa kay PSA Deputy National Statistician officer-in-charge Clemente Manaog sa ginawang pagdinig sa Senado.

“Ang dami na nating dapat imbestigahan dito. Mga supplier, concessionaire ninyo, pwede nating imbestigahan para matumbok natin ito. Dahil kung hindi natin ito ma-solve itong problema na ito, one day, we will wake up na puno na pala tayo dito ng mga operatives ng Chinese Liberation Army, in-envade na ang Pilipinas…Mabigat ito. National security ang pinag-uusapan natin dito kaya ayusin natin ito na we have to come up with measures na ma-plug natin iyong mga gaps…So we encourage everyone to feel free to cooperate para ma-solve natin ang problema na ito.” Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -