IBAโT IBANG aktibidad ang dinaluhan ni Senador Loren Legarda sa Antique kamakailan, ang probinsiya kung saan siya ipinanganak.
โGinakalipay ko gid ang makabalik sa aking pinalangga nga probinsya ng Antique at maging bahagi ng Banigan Festival sa bayan ng Libertad.
โIpinagdiriwang sa masayang pagtitipong ito ang kahanga-hangang angking likha at talento ng tunay na mga bituin ng pista โ ang ย mga tagalikha ng banig.
โAng kanilang dedikasyon sa tradisyong ito ay kitang-kita sa maraming nakamamanghang produktong gawa sa banig. Sila rin ay kabilang sa mga Micro, Small, at Medium Enterprises na ating patuloy na sinusuportahan.
โDuro gid nga salamat kay Mayora Mary Jean Te ng Libertad sa pag-imbita sa akin na magdiwang kasama ang ating mga kasimanwa sa Libertad.
โAng pagdiriwang na ito ay nagsisilbing magandang paalala sa katalinuhan, tiyaga, at husay na naipasa sa mga henerasyon at ng aking walang patid na pagsisikap na mapanatili ang katutubong kaalaman at kultura ng ating bansa.
โAng inyo Inday Loren kaimaw ang akun bugto Congressman Aa Legarda, hindi gid magataka nga magbulig, kag magtugro kang bulig para sa ikamayad kag ikaugwad kang kada Libertadnon kag kang bilog nga probinsya.
โKasama ang aking bugto na si Cong. AA Legarda, binisita namin ang hilagang bahagi ng Antique upang magbigay ng mga bulig at ipamahagi ang pondong inilaan natin para sa ibaโt ibang proyektong tiyak na magpapaunlad sa kabuhayan at kalagayan ng ating mga kasimanwa.
Kasama ang masisipag na mayor ng Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, at Caluya, kami ay nagkaroon ng distribution ng ibaโt ibang government-funded programs.
Tinanggap nila ang funding sa mga proyekto kabilang ang DoLE Kabuhayan, DoLE-Tupad, DSWD-AICS, wheelchairs, at Fiber Re-enforced Plastic (FRP) boats at mga marine engines para sa mga mangingisda.
โBatid ko rin ang hirap ng ating barangay health workers at barangay nutrition scholars sa pagbibigay ng basic health services sa ating mga kasimanwa. Bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo at dedikasyon, nagbigay po tayo ng kits bilang personal na tulong ng inyong Inday Loren.
Makasarig kamo sa padayon nga pagpalangga kag pag-ulikid kang inyo Inday Loren. Magapadayon ang pag-abot kang mga government projects kag assistance para sa ikamayad kang kada Antiqueรฑo kag kang atun pinalangga nga Antique.
โBilang isang Antiqueรฑa at proud alumna ng Unibersidad ng Pilipinas, lubos kong ikinagagalak at ipinagmamalaki ang pagpapasinaya ng extension campus ng UP Visayas sa Pandan, Antique. Ang campus na ito ay nag-aalok ng mga programa sa fisheries at sciences para sa ating mga kasimanwa.
โAng inyo Inday Loren pirme nagasuporta sa tinutuyo nga makatugro kang barato kag kalidad nga edukasyon para mas mapaugwad pa ang buwas damlag kang kada Antiqueรฑo.
โSa ating pagtutulungan, aabutin natin ang ating hangarin na magkaroon ng akademikong kahusayan, panlipunang responsibilidad, at pambansang kaunlaran.โ Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ni Senator Loren Legarda