30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

Pangandaman, pinamunuan ang interactive dialogue ng UN CSW68

- Advertisement -
- Advertisement -

NEW YORK CITY, USA — Pinamunuan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pagpupulong sa interactive dialogue ng review theme ng 68th Session of the Commission on the Status of Women (CSW68) noong Biyernes, ika-15 ng Marso, 2024.

Ang CSW, na siyang pangunahing intergovernmental body sa ilalim ng United Nations (UN), ay nakatuon sa pagpapalakas ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Taun-taon, nagdaraos ang komisyon ng 10-araw na pandaigdigang summit, karaniwang ginaganap sa buwan ng Marso, kung saan nagtitipon ang mga kinatawan mula sa mga UN member states, civil society, at mga eksperto sa gender upang talakayin ang mga pag-unlad, mga concern, gayun ang magtakda ng mga polisiya at global standards sa pantay na oportunidad para sa lahat ng kasarian at karapatan ng mga kababaihan.

Sa pagtatapos ng taunang sesyon ng CSW, pag-uusapan ng mga participants ang progreso ng pagpapatupad ng “Agreed Conclusions”, ang outcome document ng sesyon.

Nagbibigay ng oportunidad sa mga  miyembro ng Komisyon ang Interactive Dialogue ukol sa review theme na boluntaryong magbahagi ng kanilang mga karanasan, best practices, at mga naging hamon sa pagpapatupad ng mga agreed conclusions mula sa 63rd CSW session na may priority theme na “Social protection systems, access to public services and sustainable infrastructure for gender equality and the empowerment of women and girls.”

Bilang chairman ng ID, tinutukan ng DBM Chief ang talakayan, at pinangasiwaan ang interaksyon sa pagitan  ng mga delegasyon, at tinitiyak na ang lahat ang mahahalagang pananaw ay naisama.

Kabilang sa mga bansang nagbahagi ng kanilang mga pananaw sa ID ay ang Jordan sa pamamagitan ng Minister of Social Development of Jordan at Chairman ng Inter-Ministerial Committee for Women’s Empowerment, si Wafa Bani Mustafa; ang Mali sa pamamagitan ng Minister of Advancement of Women, Children and Family of Mali, si H.E. Mariam Maiga Coulibaly; ang Mexico sa pamamagitan ng President of the National Women’s Institute of Mexico, si Nadine Gasman Zylbermann; at ang Colombia sa pamamagitan ng Vice-Minister for Women of Colombia, si H.E. Diana Gomez Correal.

Samantala, nagtanong at nagkomento ang  Egypt, Morocco, Cameroon, Canada, Qatar, Chile, at Ecuador.

Nagbigay-diin ang Agreed Conclusions na nireview ngayong taon sa limang key policy areas, ito ay: Palakasin ang mga normative, legal, at policy framework; palakasin ang access ng mga kababaihan at mga batang babae sa social protection; palakasin ang access sa mga pampublikong serbisyo para sa mga kababaihan at mga batang babae; gawing epektibo ang imprastruktura para sa mga kababaihan at mga batang babae; at pakilusin ang mga resources, palakasin ang partisipasyon ng mga kababaihan, at pagbutihin ang ebidensya.

Noong unang bahagi ng linggong ito, dineliver ni Sec. Pangandaman ang Philippine Statement sa General Discussion at sa unang Ministerial Round Table ng CSW68. Bilang head ng Philippine Delegation, pinangunahan din niya ang engagement sa mga aktibidad ng sesyon, kabilang na ang ang mga bilateral meetings kasama ang Czech Republic, Singapore, France, at Australia.

Ang CSW68 ay magtatapos sa ika-22 ng Marso, 2024.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -