30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

PBBM: Bagong NAIA tutugon sa intl standards

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA sa muling pagpapasigla ng Ninoy Aquino International Airport, sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda ng NAIA Public-Private Partnership Project Concession Agreement kasama ang New NAIA Infra Corporation nitong Marso 18, Lunes. Hinimok din ng Pangulo ang San Miguel Corp. at ang consortium nito na sumunod sa kontrata na nakasaad sa Public-Private Partnership (PPP).

Mga larawan mula sa Presidential Communications Office

Ayon kay PBBM, layunin ng proyekto na gawing makabago ang imprastraktura ng paliparan upang madagdagan ang kapasidad nito sa 62 milyong pasahero kada taon mula sa 35 milyon kada taon.

Binigyan-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng proyekto at ng pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa pagpapabuti ng turismo at ekonomiya ng Pilipinas.

Kalidad na serbisyo at mabilis na pag-unlad ang resulta ng magkasamang pagtugon ng pamahalaan at pribadong sektor sa mga hamon, ayon kay Pangulong Marcos.

Sa paglagda ng NAIA-PPP Project Concession Agreement, siniguro ni PBBM na papasa sa international standards at higit na mapakikinabangan ng taumbayan ang nasabing proyekto.Teksto  halaw sa Presidential Communications Office

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -