30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

BFP, maglalagay ng fire station sa Pag-asa Island sa Kalayaan

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGLALAGAY na ng fire station sa Pag-asa Island sa bayan ng Kalayaan ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Palawan.

Ito ang iniulat ni Provincial Fire Marshall, Fire Superintendent Nonilon Macasadia 2nd sa pinagsamang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Task Force-to End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC noong Marso 21, 2024 sa Victoriano J. Rodriguez Multipurpose Hall ng Gusaling Kapitolyo.

Ayon kay Macasadia, maglalaan ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Kalayaan ng 1,000 sq.m. ng lupa para sa pagtatayuan ng fire station sa Bgy. Pag-asa.

Hinihintay na lamang aniya ng kanilang tanggapan ang paabiso ng Lokal na Pamahalaang Bayan tungkol sa paglalaan ng lupa at para sa gagawing signing ng Usufruct Agreement nito.

Mayroon na rin aniyang nakahandang isang fire truck na dadalhin sa Pag-asa Island para sa nasabing fire station.

Itinalaga namang Municipal Fire Prevention Officer ng Kalayaan si SFO1 Mark Anthony G. Ibale at makakasama nito sa Kalayaan si FO3 Mark Rotsene Rabajante.

Ayon sa BFP-Palawan, ang paglalagay ng fire station sa Pag-asa Island sa tulong ng lokal na pamahalaan ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamayan sa sunog at sa iba pang uri ng panganib. (OCJ/PIA-Mimaropa, Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -