30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

80 porsyento ng mga establisyemento sa Puerto Princesa, nag-comply na sa SSS

- Advertisement -
- Advertisement -

MULA nang isagawa ng Social Security System (SSS) sa Puerto Princesa ang ‘Run After Contribution Evaders’ o RACE, umabot na sa 80 porsyento ng mga establisyementong ang nagcomply ng kanilang mga obligasyon sa nasahing ahensya, ayon kay branch head Abdultalib  Abirin.

Ilan sa mga naitalang paglabag ng mga establisyementong isinasailalim sa RACE ay ang non-registration, non-production at non-remittance. Ipinagpapatuloy ng SSS ang pagsasagawa ng RACE hindi lamang sa lungsod gayundin sa mga munisipyo sa Palawan.

Noong Marso 14 isinagawa ang unang RACE para sa 2024 kung saan 10 establisyemento sa lungsod ang binigyan ng paalaala ng mga kawani ng SSS at 50 porsyento na ang nakapagcomply ayon kay SSS assistant branch head Zenia Delcoro.

Karagdagang 20 establisyemento sa lungsod ang binisita ng SSS sa Puerto Princesa upang bigyan ang mga ito ng paalala ng kanilang obligasyon na nakapaloob sa Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Binigyan ang mga ito ng 15 araw upang tupadin ang kanilang mga obligasyon sa SSS. Pinaliwanagan din ang mga ito sa mga programa ng ahensiya na maaari nilang i-avail tulad ng Contribution Penalty Condonation at Installment Payment Scheme.

Sa 20 establisyemento na binisita ng SSS, 11 sa mga ito ang may paglabag sa non-registration, walo ang may paglabag sa non-production at isa naman ang may paglabag sa non-remittance.

Kasama ng SSS sa pagbisita sa mga establisyemento ang mga kinatawan ng Business Permit and Licensing Office ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at kinatawan mula Philippine Information Agency (PIA) Palawan.

Sa buwan ng Abril ay nakatakda namang isagawa ng SSS  ang RACE sa bayan ng Taytay at El Nido. (OCJ/PIA-MIMAROPA – Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -