25.4 C
Manila
Martes, Enero 14, 2025

Mga kaso ng pertussis mataas pa rin; Gatchalian pinaiigting ang pagbabakuna

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng nananatiling mataas na kaso ng pertussis o whooping cough na umabot na sa 862 noong Marso 23, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga local government units (LGU) na tulungan ang Department of Health (DoH) sa pagpapatupad ng mga catch-up vaccination o pagbabakuna.

Sa isang pahayag, iniulat ng DoH na mas mataas na ng 30 beses ang naitalang mga kaso ng pertussis kung ihahambing sa mga naitala ng parehong petsa noong nagdaang taon. Naitala na rin ng kagawaran ang 49 na pagkamatay dahil sa pertussis ngayong taon. Ayon pa sa DOH, 79% ng mga pasyente ay mga batang wala pang limang taong gulang, anim sa 10 sa mga ito ang hindi nabakunahan o walang maayos na tala ng kanilang mga bakuna.

Bago bumili ng karagdagang 3 milyong pentavalent (5-in-1) vaccine doses na nagbibigay proteksyon laban sa pertussis, diphtheria, tetanus, hepatitis B at Haemophilus influenzae type B, matatandaang meron lamang 64,000 doses ng pentavalent vaccines ang DoH.

Binigyang diin din ni Gatchalian na kailangang patatagin ang kakayahan ng bansa na gumawa ng sarili nitong mga bakuna. Inihain ni Gatchalian ang Virology at Vaccine Institue of the Philippines (VIP) Act of 2022 (Senate Bill No. 941) na layong isulong ang lokal na paggawa ng bakuna, patatagin ang produksyon, at paigtingin ang technology transfer.

Layon din ng panukalang batas na likhain ang VIP na magsisilbing pangunahing research at development institute sa larangan ng virology upang saklawin ang lahat ng mga area sa virus at viral diseases sa mga tao, hayop, at halaman.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, bumaba noong panahon ng pandemya ng Covid-19 at mga lockdwons ang bilang ng mga batang dinala sa mga health centers para mabakunahan. Noong inalis ang mga paghihigpit, may mga magulang na tumanggi pa ring pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa takot sa virus. Ayon sa DOH National Immunization Program, 72% lamang ng mahigit 2 milyong mga kabataan na may edad isa ang ganap na bakunado—mas mababa sa target na 90%.

“Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng pertussis, mahalagang paigtingin natin ang pagbabakuna upang mabigyan ng proteksyon ang ating mga kababayan, lalo na ang mga batang may mas mataas na panganib na magkaroon ng sakit. Napatunayan nang ligtas at epektibo ang mga bakuna laban sa mga sakit, kaya naman hinihimok natin ang mga LGU na paigtingin ang pagbabakuna,” ani Gatchalian.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -