28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

Catch-up polio immunization, gaganapin sa Makati simula Abr 15

- Advertisement -
- Advertisement -

 MAGANDANG balita! Simula sa darating na Abril 15, 2024, Lunes mag-iikot sa mga barangay ang mga kawani ng Makati Health Department upang magpatak ng bakuna laban sa polio.

Ayon sa Department of Health (DoH), ang poliovirus ay isang virus na nagdudulot ng sakit na polio.

Ang polio ay maaaring maging sanhi ng pagkalumpo, hirap sa paghinga, at pagkamatay.

Bakuna kontra polio ang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa sakit na polio.

Ang oral polio vaccination o OPV ay ligtas at epektibo. Ginamit na ito sa maraming bansa. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 18 milyon na ang nakaiwas sa pagkalumpo dulot ng polio sa hgi na 30 taon na paggamit ng bakunang OPV.

Karagdadagang proteksyon din para sa mga bata kontra polio ay ang pagsuporta sa zero-open defecation sa pamamagitan nang paggamit ng palikuran. Ugaliin ding maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig pagkatapos gumamit ng palikuran at bago kumain.

Gayundin, siguraduhin na malinis ang tubig na iinumin. Pakuluan ng tama ang tubig na inumin at siguraduhin din na malinis ang proseso ng pagluluto. Lutuin ng mabuti ang pagkain.

Samantala, maaari ring dalhin ang mga batang wala pang 5 years old sa pinakamalapit na health center sa Lungsod ng Makati para sa mabakunahan.  

Ang pag-iikot sa mga barangay ay magtatagal hanggang Mayo 15, 2024. (Makati City/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -