26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

NLRC commissioner para sa sektor ng manggagawa, nanumpa

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGASIWAAN ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Bienvenido Laguesma (itaas na larawan, kaliwa) ang panunumpa sa tungkulin ni Atty. Abdul-Azis Usudan Metmug (itaas na larawan, kanan) bilang Commissioner na kumakatawan sa Sektor ng Manggagawa sa ilalim ng Eighth Division ng National Labor Relations Commission (NLRC).

Si Commissioner Metmug ay magiging bahagi ng NLRC Eighth Division, kasama ang mga commissioner na kumakatawan sa pamahalaaan at sektor ng employer, na hahawak ng mga apela mula sa Mindanao.

Nakiisa si Undersecretary Atty. Benedicto Ernesto Bitonio Jr. (ibabang larawan, kaliwa) ng Labor Relations, Policy, and International Affairs Cluster at Regional Operations Cluster sa ginanap na seremonya sa DoLE Central Office, Intramuros, Manila noong Abril 5, 2024. (Kuha ni Regie D. Mason, DOLE-IPS)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -