24.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

Puspusang monitoring ng DoE, NGCP at generation companies sa mga planta ng kuryente, tinutulak ni Sen Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) noong Abril 16, ang Luzon at Visayas Grids sa Red and Yellow alerts dahil sa manipis na suplay ng kuryente. 19 na planta sa Luzon at 12 na planta sa Visayas ang nagkaroon ng forced outage kaya kinulang ang kuryente sa bansa.

Nangyayari ang pagtaas ng mga alert level kapag kulang ang supply ng kuryente kumapara sa demand. Ibinaba na sa Yellow Alert ang Luzon Grid samantalang nananatili sa Yellow Alert ang Visayas Grid ngayong araw, Abril 17.

Ayon kay Sen. Idol Raffy Tulfo, “ang nasabing alert levels ay nakakabahala gayong una nang nagbigay ng pahayag si Department of Energy (DoE) Undersecretary Felix Fuentebella noong Pebrero na mayroong sapat na power supply sa bansa sa panahon ng El Niño. Dagdag pa ng DoE, wala umano silang nakikitang power supply issues sa mga susunod na buwan.”

Kaya bilang Chairperson ng Senate Committee on Energy, nakikipag-uganayan si Sen. Idol Raffy Tulfo sa DoE at NGCP upang siguraduhin na ang mga kasalukuyan nating power plants ay maaasahan at hindi papalya, lalo pa ngayong napakainit ng panahon.

Binigyang diin ni Sen. Tulfo na dapat ay puspusan din ang monitoring ng DoE, NGCP at generation companies sa mga planta ng kuryente para maiwasan ang brownout na kalbaryo para sa mga consumer.

“Malaki ang nagiging masamang epekto ng pagkawala ng kuryente lalo na sa kalusugan at ekonomiya ng ating mga kababayan. Kaya kapag nagkaroon ng malawakang brownout sa bansa, ang mga consumer ang magdurusa at kawawa,” saad niya.

Ayon sa DoE, nakikipag-ugnayan na sila sa NGCP at mga generation companies para maiwasan ang brown out sa bansa. Nagbigay din ng kautusan ang DoE sa mga distribution utilities at mga electric cooperatives na magpatupad ng mga interruptible load program. Ito ay kung saan ang mga malalaking establisyimento tulad ng mga pabrika at malls ay gagamit ng sarili nilang generator para mabawasan ang gumagamit ng kuryente mula sa grid.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -