25.7 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Paalala sa pamamahala sa ani

- Advertisement -
- Advertisement -
ALAM nyo ba na malaki ang nawawala sa ani ng mga magsasaka pagdating sa post production? Kaya maganda itong mga paalala sa pagiimbak bago ang pagpapatuyo, pagpapatuyo, paglilinis, pagiimbak, paggiling ng palay, at pagsasako ng bigas.
Kaya naman sinusuportahan ni Sen. Cynthia Villar ang ang isinasagawang training ng Philrice sa modernong paraan ng pagsasaka para maiwasan ang post production loss at madagdagan ang kanilang kita.
Ayon sa DA-PhilRice, sayang kung pati sa post-production, mabawasan ng ani.

Ayon sa pag-aaral, nasa 1-7 porsiyento ang post-production losses.
✨Sundin and 6 na paalala sa pamamahala ng ating mga ani:
✅ Pag-iimbak bago ang pagpapatuyo ng palay
🌾 Ihiwalay ang mga palay batay sa barayti, halumigmig, at kalidad ng inaning palay. Unahing patuyuin ang mga basang palay. Huwag imbakin ang mga naaning palay ng higit sa isang araw sapagkat mag-iinit ang mga ito. Ito ay nagiging sanhi ng pangingitim at pagbaba ng kalidad ng nagiling na palay.
✅ Pagpapatuyo ng palay sa araw
🌾 Linising mabuti ang bilaran upang maiwasang marumihan o mahaluan ng ibang butil at mga bato ang palay. Hanggat maaari iwasang magbilad sa kalsada upang hindi madurog ang mga butil. Ikalat ang mga butil sa kapal na 2-4sm at regular na haluin ang mga ito tuwing ika-30min upang maging pantay-pantay ang pagkatuyo ng palay.
🌾 Patuyuin ang mga butil ng hindi tataas sa 14% para sa maayos na paggiling at mas matagal na pagiimbak.
✅ Paglilinis ng palay
🌾 Linisin ang palay gamit ang blower, fan, o seed cleaner. Gamitin ang tamang air flow adjustment at grain feeding rate upang matanggal ang mga dumi, tulyapis, at mga buto ng damo. Iiwasan din na sumama ang mga butil sa malakas na hangin ng blower.
🌾Ilagay sa matibay at malinis na mga sako.
✅ Pag-iimbak ng palay
🌾 Gumamit ng paleta o patungang kahoy o plastic para maayos na makapasok ang hangin.
🌾Siguraduhing malinis ang bodega. Maayos ang bentilasyon, hindi direktang nasisikatan ng araw o naaabot ng tubig ulan ang mga naka-imbak na binhi. Walang mga pesteng insekto gaya ng bukbok, mga ibon at daga.
🌾May maayos na espasyo sa mga nakaimbak na palay para sa madaling paglabas at pagmonitor ng mga palay.
✅ Paggiling ng palay
🌾 Siguraduhing nasa tamang kundisyon ang makinang gagamitin sa paggiling ng palay. Mas mainam gamitin ang makinang panggiling na hindi bababa sa 65% milling recovery at 80% head rice.
✅ Pagsasako ng bigas
🌾Gamitin ang matibay na materyal ng pakete o sako na paglalagyan ng bigas. Maaaring sundin ang rekomendadong color-coded packaging base sa kalidad ng bigas: asul (special o fancy rice), dilaw (premium), at puti (grade 1-5).
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -