28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

BP Sara dumalo sa Davao Region Athletic Association Meet 2024

- Advertisement -
- Advertisement -
DUMALO si Bise Presidente Sara sa Davao Region Athletic Association (DAVRAA) Meet 2024 sa Davao City – UP Mindanao Sports Complex.
Aniya, “Ikinagagalak ko na tayo ay naimbitahang dumalo sa pagbubukas ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) Meet 2024 na isinagawa sa UP Mindanao Sports Complex sa Davao City noong Abril 1, 2024.
Masaya kong nasaksihan ang mga inihanda ng iba’t ibang contingents mula Davao Region sa kanilang isinagawang parada.
Inihayag ko sa aking mensahe na ang regional meet na ito ay higit pa sa isang kompetisyon, ito ay isang plataporma ng paglago at isang pagkakataon para sa pagbabago.
Isa itong simula ng hindi pangkaraniwang paglalakbay. Para sa iba, ito ay isang pagkakataon na bumangon mula sa pagkadapa. Hangga’t mayroon kayong mga pangarap, walang dahilan upang hindi kayo magpatuloy, magsumikap, magpursigi, at magtagumpay.
Taos-puso ko ring binabati ang mga magulang, guro, coaches at lahat ng mga sumusuporta sa ating mga batang atleta sa kanilang pagod, sakripisyo at pagsisikap.
Sa mga manlalaro, tandaan na hindi lang kayo mga atleta, kayo ay mga ehemplo ng pag-asa, mga simbolo ng katatagan at inspirasyon. Kaya’t abutin ninyo ang inyong mga pangarap at ipagmalaki ang inyong mga angking talento.
Nawa’y gabayan kayong lahat ng diwa ng sportsmanship patungo sa kadakilaan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -