26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

Mga kabataan tampok sa pagbisita ni Sen Villanueva sa Aklan

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG ibinalita ni Senator Joel Villanueva sa kanyang Facebook page ang ginawa niyang pagbisita sa Aklan para pasinayaan ang Sports Training and Wellness Center doon.
Aniya, “Pinangunahan po natin ang groundbreaking ceremony ng Sports Training and Wellness Center dito sa dakilang lalawigan ng Aklan. Katuparan po ito ng pangarap namin ni Gov Joen Miraflors na magkaroon ng maayos na pasilidad upang hasain ang potensyal ng mga kabataang Aklanon sa larangan ng sports.
Dagdag pa niya, “Hindi lang po pag-asa ng bayan ang ating mga kabataan kundi sila rin po ang may-ari ng kinabukasan. Kaya sa pagbisita po natin, kasama sina Gov Joen Miraflores, Vice Gov Boy Quimpo, mga provincial board members at SK Federation Presidents, namahagi po tayo ng educational assistance para sa 1,000 mga kabataan mula sa 17 bayan ng Aklan.
”Nawa’y maging katuwang sa pag-unlad ng dakilang lalawigan ng Aklan at ng buong bansa ang kabataang Aklanon ngayon at sa hinaharap.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -