26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

SM Foundation, namahagi ng Kalinga packs sa mga nasalanta ng sunog sa Maynila

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG malaking sunog ang sumiklab sa mga komunidad ng Parola at Isla Puting Bato sa Tondo,Maynila. Tinatayang isang libong pamilya ang nawalan ng tahanan matapos ang nasabing kalamidad.

Sa gitna nito, muling naghatid ng tulong ang SM Foundation at SM Supermalls sa pamamagitan ng disaster relief program na Operation Tulong Express (OPTE). Layunin nitong magbigay ng tulong at pag-asa sa mga nasalanta ng kalamidad habang sila'y bumabangon at nagsisimulang muli.

Sa tulong ng OPTE, naipamahagi ang halos 800 Kalinga Packs na naglalaman ng mga pangunahing kagamitan at relief supplies para sa mga pamilyang naapektuhan.

Nagpaabot din ng tulong ang SM Group sa isa pang komunidad sa Baguio na tinamaan din ng sunog kamakailan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -