26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

VP Sara bumisita sa OVP sa Cagayan Valley Satellite

- Advertisement -
- Advertisement -
IBINALITA ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page ang kanyang ginawang pagbisita sa Office of the Vice President Cagayan Valley Satellite Office sa Cauayan, Isabela.
Aniya, “Habang nasa Isabela tayo para sa ating mga opisyal na lakad, binisita ko rin ang Office of the Vice President Cagayan Valley Satellite Office sa Cauayan, Isabela.
“Ang OVP Cagayan Valley Satellite Office po ay nagbibigay ng serbisyo ng mga programa natin sa Office of the Vice President sa mga kababayan natin sa Cagayan Valley.
”Lubos po ang aking kasiyahan nang malaman ko na ang mga programa natin sa opisina ay nakakaabot na ngayon sa mga kababayan natin sa mga malalayong lugar ng naturang rehiyon.
”Isa ito sa mga layunin ng pagtatag ng mga satellite offices sa buong bansa, para maramdaman ng mga kababayan nating Pilipino ang serbisyo ng national government sa malalayong lugar sa ating bansa.
Salamat po sa mga kasamahan natin sa OVP Cagayan Valley sa mainit na pagtanggap sa akin at sa pagpapatikim ng masarap ninyong pansit Cabagan.
”Para sa serbisyo sa bayan, ang ating opisina ay matatagpuan sa AV Building, FNDY St., Cabatuan Road, San Fermin, Cauayan City at bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -