25.2 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

Karagdagang Shari’a Judicial District and Circuit Courts sa iba’t ibang bahagi ng bansa pasado na sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang Facebook page na pasado na sa huling pagbasa sa Senado ang panukalang magtatatag ng karagdagang Shari’a Judicial District and Circuit Courts sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Si Sen. Francis “Tol” Tolentino ang sponsor ng Senate Bill No. 2594.

Aniya, “Good news po sa ating mga kapatid na Muslim!

“Pasado na po sa huling pagbasa sa Senado ang panukalang magtatatag ng karagdagang Shari’a Judicial District and Circuit Courts sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Mahalagang hakbang po ito para mapaigting ang justice system ng ating Muslim community, at masigurong hindi tayo nagkukulang sa pagprotekta sa karapatan ng ating mga kapatid na Muslim.

Congratulations sa ating sponsor na si Sen. Tol.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -