25.9 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

Libreng sakay sa LRT-2 sa Labor Day

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGANDANG balita! Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Labor Day) sa Miyerkules, May 1, maghahandog ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay sa LRT-2 para sa mga manggagawa.

“Ito pong handog na libreng sakay sa mga manggagawang Pilipino ay pasasalamat ng LRTA sa kanilang kasipagan, kagitingan at kontribusyon sa lipunan. Hindi man po namin matatawaran ang inyong sakripisyo at ang inyong napakalaking ambag, sana maiparamdam namin sa pamamagitan nitong libreng sakay ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo,” ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.

Ang libreng sakay ay gaganapin sa mga sumusunod na oras:

  • 7:00 AM hanggang 9:00 AM
  • 5:00 PM hanggang 7:00 PM

Ipakita lamang ang inyong company ID o government issued ID para i-avail ang libreng sakay.

Ang libreng sakay ng LRTA ay tugon sa hiling ng Department of Labor and Employment (DoLE) para kilalanin ang sakripisyo at malaking kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya para sa isang Bagong Pilipinas. (LRTA/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -