26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

Dagdag sahod na P100, ipinasa sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG ibinalita ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang dagdag na sahod na P100 sa Daily Minimum Wage sa Facebook page ng Senate of the Philippines.
Aniya, “Anumang kaunlaran na nakakamit ng bayan ay nakasandig sa pawis at pagod ng mga manggagawang Pilipino.
“Kaya ngayong Labor Day, kaisa po tayo ng bawat manggagawa sa pagsulong ng mas mataas na sahod, tamang mga benepisyo, at ligtas na lugar ng trabaho!
“Sa Senado, naipasa na natin ang P100 Daily Minimum Wage Increase, at patuloy tayong nakatutok sa tuluyan nitong pagsasabatas.
“Saludo tayo sa manggagawang Pilipino!
“Happy Labor Day po!”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -