28.1 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

Pahayag ni VP Sara sa Araw ng mga Manggagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

SA Araw ng Manggagawa, ipinahatid ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagbati sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte. Narito ang kanyang pahayag.

Happy Labor Day sa lahat ng manggagawang Pilipino!

Saludo kami sa hindi matatawarang sipag at dedikasyon ninyo. Ang bawat araw ninyong pagsusumikap ay aming gabay tungo sa landas ng pag-unlad ng ating bayan.

Sa bawat OFW, medical at security frontliner, community workers, mga guro, at sa lahat ng nagtatrabaho sa ating pampubliko at pribadong sektor ng lipunan, ang inyong kontribusyon ay aming kinikilala at pinahahalagahan. Kayo ang itinuturing na tunay na bayani sa makabagong panahon. Nawa’y ipagpatuloy natin ang pagtahak sa isang maunlad na kinabukasan.

Sa pagpupugay na ito, isang panalangin ang aming isinasamo – ang inyong patuloy na pag-unlad at tagumpay.

Sama-sama tayo sa paglakbay tungo sa isang matatag at maunlad na Pilipinas, laging may malasakit at pagmamahal sa Pilipino.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -