28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

Courtesy call ng Joint Foreign Chambers of the Philippines sa Department of Education

- Advertisement -
- Advertisement -
IBINALITA ni Vice President Sara Duterte na binisita sina ng Joint Foreign Chambers of the Philippines para sa isang pagpupulong.
Aniya, “Ikinagagalak ko po na tayo ay binisita ng ating mga kaibigan mula sa Joint Foreign Chambers of the Philippines para sa isang pagpupulong noong ika-25 ng Abril sa tanggapan ng Department of Education, Mandaluyong City.
”Napag-usapan namin ang mga posibleng hakbang ng pakikipagtulungan sa kanilang koalisyon upang mapaunlad ang ating Kagawaran at sa gayon ay maisakatuparan ang mga nakalatag na mga programa sa ilalim ng ating Matatag Agenda.
Ang Joint Foreign Chambers of the Philippines ay binubuo ng grupo ng mga negosyante na kumakatawan sa halos 3,000 mga miyembro ng iba’t ibang kumpanya.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay bukas at handang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa anumang mga organisasyon na handang tumulong na makamit ang mga pangarap ng bawat Pilipinong mag-aaral.
Naniniwala po tayo na ang edukasyon ay “everybody’s business” kung saan katuwang natin ang Kagawaran ng Edukasyon na maipatupad ng maayos at maisulong ang mga programa batay na rin sa ating sinumpaang mandato.
Maraming salamat po sa mga bumubuo ng Joint Foreign Chambers of the Philippines sa inyong panahon at pangakong pagtulong at pagtaguyod sa Department of Education.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -