BINATI ni Senator Joel Villanueva ang lahat ng mga media workers sa kanyang Facebook page nitong Mayo 3, 2024.
Aniya, “Nakikiisa po tayo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day.
“Sumasaludo po tayo sa lahat ng mga media workers na walang sawang nagpapahayag sa ngalan ng katotohanan, katarungan at katwiran. Maraming salamat po sa inyong serbisyo sa ating bayan.”