29.5 C
Manila
Sabado, Enero 25, 2025

VP Sara dumalo sa pagbubukas ng Café Gervacios sa Davao City

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Facebook page ang kanyang pagiging panauhing pandangal sa ginanap na pagpapasinaya sa Café Gervacios sa C.M. Recto Street, Davao City.

“Ikinalulugod ko pong maging bahagi ng pagbubukas ng Café Gervacios noong ika-20 ng Abril sa Davao City.

“Ang pagbubukas ng mga negosyong katulad nito ay patunay na unti-unti nang bumabalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa matapos ang nangyaring pandemya.

“Ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na katulad nito ang haligi ng ekonomiya ng isang syudad.

“Malaki ang tulong ng mga negosyong ganito lalo na sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

“Marapat lamang na bigyang halaga ng ating bansa ang seguridad nito upang mahikayat at makampante ang mga negosyante na magtayo at bumuo ng kanilang mga negosyo sa ating komunidad.

“Kasama sa ating tungkulin sa OVP na bigyang halaga ang mga negosyong kagaya nito. Sa katunayan, ang programang Mag Negosyo Ta ‘Day ay isa sa ating mga adbokasiya na isinusulong upang mabigyan ng pagsasanay at kaunting puhunan ang sektor ng kababaihan at LGBT community.

“Sa muli, pinasasalamatan po natin ang Café Gervacios sa kanilang paanyaya sa atin kasama ng aking mainit na pagbati sa pagbubukas ng kanilang cafe.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -