29.5 C
Manila
Sabado, Enero 25, 2025

Pangandaman, inaprubahan ang pagpapalabas ng karagdagang P8.005 B para sa MAIP, PHEBA

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pagpapalabas ng karagdagang Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P8.005 bilyon para masakop ang cash requirements ng Department of Health (DoH) para sa pagpapatupad ng mga pangunahing programang pangkalusugan nito.

Gagamitin ang halaga para sa pagbibigay ng Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapaciated Patients (MAIP) na may alokasyon na P2.439 bilyon, at para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) para sa mga manggagawa ng Healthcare at Non-Healthcare workers na may alokasyon na P5.566 bilyon.

“As we have committed, we will continue to support programs that seek to uphold the welfare of our kababayans. The directive of President BongBong Marcos has been very clear since day one — priority shall be given to healthcare. At kasama po diyan ang pagkalinga sa mga pasyente at mga manggagawa sa healthcare sector,” pahayag ni DBM Secretary Mina Pangandaman.

Ginagamit ang MAIP para sa pagpapaospital at suportang medikal sa mga pasyenteng higit na nangangailangan at financially-incapacitated, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, in-patient, out-patient, komprehensibong check-up, at mga serbisyong pang-emergency, gayundin ang mga gamot at propesyonal na bayad, kasama ng iba pa. Bukod sa mga higit na nangangailangang  indibidwal, ang mga nagpapakita ng kawalan ng kakayahang magbayad o gumastos ng mga kinakailangang gastusin para sa kanilang pagpapagamot ay maaaring makatanggap ng tulong medikal.

Samantala, saklaw ng PHEBA ang lahat ng benepisyo ng healthcare worker, kabilang ang Health Emergency Allowance (HEA)/One Covid-19 Allowance (OCA), Special Risk Allowance (SRA), Covid-19 Sickness and Death Compensation, at iba pang benepisyo, tulad ng pagkain, tirahan, at allowance sa transportasyon.

Inaprubahan ni Secretary Mina ang pagpapalabas ng nasabing NCA noong Mayo 3, 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -