27.2 C
Manila
Huwebes, Oktubre 31, 2024

DoLE pagtitibayin, convergence budgeting para sa kabuhayan, trabaho

- Advertisement -
- Advertisement -

SA hangarin nitong pagtugmain ang pagpapatupad ng mga programa sa kabuhayan at trabaho ng pamahalaan, pinangunahan ng Kagawaran ng Paggawa ang pagpapatibay ng Program Convergence Budgeting (PCB) sa isang pulong noong Mayo 2, 2024, sa Quezon City.

Nagpulong sina (gitna) Labor Undersecretaries Benjo Santos Benavidez, Carmela Torres, at Felipe Egargo Jr., kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, noong Mayo 2, 2024, sa Ichikawa Hall ng Occupational Safety at Health Center sa Quezon City para sa pagpapatibay ng Program Convergence Budgeting (PCB) para sa mga programang pangkabuhayan at trabaho ng pamahalaan. (Larawan ng DOLE-BLE)

Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na bigyang-katwiran ang magkakatulad at magkakaparehong programa at proyektong pangkabuhayan at trabaho na iniaalok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Binigyang-diin ng pulong ang PCB bilang paraan ng pagbabadyet na magpapatibay sa layunin ng pamahalaan para sa mas maingat na paggamit ng pondo sa pamamagitan ng pinalakas na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, tulad ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), Cooperative Development Authority (CDA), Department of Budget and Management (DBM), at ang National Economic and Development Authority (NEDA).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -