26 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Shipbuilding sa PH pasisiglahin muli ng US-based company na Cerberus at South Korea-based shipbuilder

- Advertisement -
- Advertisement -

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasapinal ng kasunduan sa pagitan ng US-based company na Cerberus at South Korea-based shipbuilder na HD Hyundai Heavy Industries upang pasiglahin muli ang shipbuilding sa Subic.

Ayon sa Pangulo, patunay ang proyekto sa matibay na relasyon ng Pilipinas sa US at South Korea. Dagdag niya, mapabibilis pa lalo ng pamumuhunan ang kaunlaran ng Subic Freeport Zone para magdala ng trabaho at pagsasanay sa mga Pilipino.

Ayon kay Pangulong Marcos, “Bubuhayin natin muli ang shipbuilding sa Subic.
Sa pagtutulungan ng Cerberus at HD Hyundai Heavy Industries, asahan din natin ang dagdag trabaho at oportunidad sa renewable energy, electronics, at iba pang sektor.”

Mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -