MULA sa position paper ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI) na sinulat ng pangulo nitong si Herman Tiu Laurel, nakalahad sa atin ang komprehensibong sanaysay na naglalarawan kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang totoo namang tapat sa hangaring pahupain ang tensyon sa South China Sea subalit ang kanyang mga panuntunang pampanguluhan sa usaping ito ay nagagawang salungatin ng kanyang mga tagasunod.
Pinamagatang “Probe ‘US-Gibo’, Praise Adm. Carlos,” tinutukoy ng paglalahad na si Presidente Bongbong mismo ang nagtakda ng pundasyon para sa “New Model” ng pakikitungo sa isa’t-isa ng mga awtoridad sa karagatan sa pagitan ng Pilipinas at China upang mapayapang mapangasiwaan ang sitwasyon sa Ayungin Shoal kaugnay ng mga Rotation and Resupply (RORE) misyon sa BRP Sierra Madre at iba pang kaugnay na mga usapin. Tinukoy ang panawagan ng Pangulo noong December 2023 para sa pagpihit sa panibagong panuntunan (paradigm shift) sa sigalot sa West Philippine Sea.”
Ayon sa position paper ng ACPSSI, upang higit pang liwanagin ang kanyang panukalang gawin sa taon ng mga salungatan ng mga pwersang pangsegurudad sa karagatan sa pagitan ng Pilipinas at China, sinabi ni Marcos, “Hindi natin ibig dumating sa punto na mayroong mga insidente na maaaring lumikha ng totoong marahas na labanan… Kailangang ipunin natin ang ganung mga ideya at baguhin ang direksyon na pinagdalhan sa atin ng mga insidenteng iyun. Kailangang tigilan na natin ang paglakad sa daang iyun. Tinahak natin ang maling daan. Kailangan nating kumalas at humanap ng mas mapayapang daan na lalakaran (mula sa English na “We do not want to go to the point where there are incidents that might cause an actual violent conflict… We have to bring all of those ideas together and to change the direction that these incidents have taken us. We have to stop going that way. We’ve gone down the wrong road. We have to disengage and find ourselves a more peaceful road to go down…”
Dalawang araw lang mula sa pahayag na iyon ng Pangulo, ang tunggalian sa South China Sea ay lumitaw na pumapalaot na sa nasabing bagong mapayapang daan. Nagkaroon si Kalihim Panlabas Enrique Manalo ng pakikipag-usap sa telepono kay Foreign Minister Wang Yi ng China bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulo Marcos tungkol sa payapang daan na tatahakin.
Sinabi ni Kalihim Manalo, “We had a frank and candid exchange and ended our call with a clearer understanding of our respective positions on a number of issues. We both noted the importance of dialogues in addressing these issues (Pranka at matapat ang aming palitan at nagwakas ang aming pag-uusap na mayroon nang pag-unawa sa kanya-kanyang posisyon sa nga isyu).”
Ayon sa ACPSSI, higit na mahahaba ang mga pangungusap na inilathala ng MoFA (Ministry of Foreign Affairs) ng China hinggil sa usapan sa telepono:
“Enrique A. Manalo introduced the views of the Philippine side on the issue of Ren’ai Jiao, expressing the hope that differences will be managed in a way acceptable to both sides, so as to cool down tensions and prevent conflicts. The Philippine side is willing to strengthen dialogue with China in good faith, make good use of the role of bilateral communication mechanism on maritime issues, and jointly seek a solution to the issue.
“The two sides agreed to hold a meeting of the Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea at an early date and actively create favorable conditions for it.”
Ayon sa paglalathala ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, ang 8th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea ay nagpulong sa Shanghai alinsunod sa kasunduan nina Presidente Ferdinand Marcos Jr. at Presidente Xi Jinping sa San Francisco noong Nobiyembre 2023 na pahupain ang tensyon sa South China Sea.
At gaya nga ng nailahad na sa itaas, ang napagkasunduan ng dalawang pangulo ay masinop na sinimulang isakatuparan nina DFA Secretary Enrique Manalo at MoFA Minister Wang Yi, patuloy sa mga pag-uusap naman nina DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Chinese Assistant Foreign Minister Nong Rong, na sa wakas ay humantong sa Bilateral Consultation Mechanism Meeting sa Shanghai.
Ang magandang ibinunga ng miting sa Shanghai ay inilathala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa isang post sa X (dating Twitter) nang ganito:
“Today, we executed a flawless rotation and resupply operation for BRP Sierra Madre. Teamwork, precision, and dedication at its best…”
Ayon kay Herman Tiu Laurel, ipinagbunyi ng Philippine media ang kaganapan, namumukod na ang banderang pagbabalita ng Palawan News:
“Earlier today, SeaLight Director at the Gordian Knot Center for National Security Innovation’s Ray Powell also said he has observed different scenarios in the West Philippine Sea after Philippine Coast Guard Vessels BRP Cabra and BRP Sindangan arrived at Sabina Shoal and were met by only one China Coast Guard vessel, 520.5. He said the resupply mission ‘seems to have encountered virtually no resistance from China.
“Powell also said around 17 Chinese militia vessels were also monitored nearby but stayed west of Mischief Reef and did not conduct their usual blocking and intimidation against the PCG vessels as well as the civilian resupply boat Unaiza May 1.”
Alam na ng lahat kung sino si Powell. Dating mataas na opisyal ng US Air Force, siya ang pasimuno ng Project Myuoshu, na ang layunin ay pag-alabin sa galit ang Pilipinas sa China upang isulong ang adyendang pandigmaan ng Amerika. Kaya kada maliit na insidente ng kiskisan at girian sa pagitan ng mga coast guard ng China at Pilipinas ay pinalalaki nang husto sa media.
Para kay Powell na amining kalmante ang South China Sea, iyun ay dapat na totoo.
Kung bakit ang mga dating alipures lamang ni Powell sa pagkakalat ng mga binaluktot na balita hinggil sa China ay siyang biglang-biglang naging mga maiingay na tagatabil ng Amerika?
Pansinin na lamang ang pahayag ni Vice Admiral Jay Tarriela, Spokesperson ng Philippine Coast Guard, “walang pagbabago sa ‘transparency initiative’, na ibig lang sabihin ay tuloy ang mga paghahanda para sa giyera.
Isang Vice Admiral ka lang, saan ka humuhugot ng lakas ng loob na suwayin ang salita ng Commander-in-Chief?
(May karugtong)