26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Karamay ang OVP sa panahon ng emergency

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa pagmamahal sa kanyang maybahay na si Luzviminda, bumiyahe mula Libungan, North Cotabato si Mang Nestor, 68 taong gulang, upang mag-avail ng hospital assistance sa Office of the President-BARMM Satellite Office sa lungsod ng Cotabato nitong Mayo 23.

Ayon kay Mang Nestor, dahil sa hirap ng buhay ay hirap siyang bayaran ang hospital bill ng kanyang maybahay na 67 taong gulang, at ilang araw nang nasa ospital dahil sa Aortic Strenosis at Peptic Ulcer Disease.

Sa kwento ni Mang Nestor, tinungo niya ang kanilang munisipyo sa Libungan upang humingi ng tulong sa mga ahensya na pwedeng tumulong sa kanila.

Bitbit ang mga requirements at bill sa hospital, sinamahan sya ng kanilang Municipal Social Worker at tinungo nila ang OVP BARMM SO upang mag-avail ng hospital assistance.

Masayang niyang tinanggap ang Guarantee Letter o GL mula sa OVP sa parehong araw.

Ang Hospital Bill Assistance ay kasama sa Medical and Burial o MAB Assistance Program ng OVP. Ang layunin ng programa ay upang matulungan ang mga Pilipino na mabawasan ang kanilang gastusin sa kanilang medikal na pangangailangan. Ulat mula sa Facebook page ng Office of the Vice President of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -