30.7 C
Manila
Huwebes, Hunyo 20, 2024

Super Health Center sa Kayapa, Nueva Vizcaya, personal na binisita ni Mr. Malasakit Sen Bong Go

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Senator Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health, ang turnover and ribbon cutting ceremony ng nakatayong Super Health Center sa Kayapa, Nueva Vizcaya ngayong Miyerkules, May 29.

Ang pagpapatayo ng Super Health Center sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa ay bahagi ng inisyatiba ni Senator Kuya Bong Go na palakasin ang health care system sa ating bansa. Sa Nueva Vizcaya, may Super Health Center din na matatagpuan sa mga bayan ng Villaverde at Quezon.

Parte rin ito ng kanyang adbokasiyang mailapit ang de-kalidad na serbisyong medikal ng pamahalaan sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap.

Ang Super Health Centers ay suportado rin ng kanyang mga kapwa mambabatas, ng Department of Health, at ng mga lokal na opisyal. Dumalo sa pagtitipon sina Congresswoman Luisa Lloren “Banti” Cuaresma, Board Member Jose “Tam-an” Tomas Sr., Mayor Elizabeth Balasya, Vice Mayor Peter Bay-an, Councilor Romeo Camlas Jr., kaibigang aktor na si Philip Salvador at iba pang mga local officials ng Kayapa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -