26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

VP Sara pinangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Davao

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte ang kanyang panginguna sa pagdiriwang ng Ika-126 Araw ng Kalayaan sa Davao.
Aniya, “Isang karangalan para sa akin ang dumalo sa pagdiriwang ng ating ika-126th Philippine Declaration of Independence dito sa Lungsod ng Davao.
“Sa araw na ito, binibigyang halaga at pagpupugay ang ating mga bayani na syang naging haligi upang makamit natin ang ating kasarinlan laban sa mga mananakop. Ang kanilang katapangan at pagkamakabayan ay hindi kailan man matutumbasan.
“Sa Araw ng Kalayaan, hindi lamang ang ating naipanalong kasarinlan ang ating pinapahalagahan kundi pag-alala sa mga dagok na ating pinagdaanan, nalampasan, at patuloy na ipinaglalaban.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -