26.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

PBBM nilagdaan ang Negros Island Region Act at ang Real PropertyValuation and Assessment Reform Act

- Advertisement -
- Advertisement -
SA signing ceremony nitong  ika-13 ng Hunyo 2024, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga layunin at benepisyo ng Negros Island Region Act (NIR Act) at ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).

Layunin ng NIR Act na pag-isahin ang mga probinsya sa Negros Island para sa mas epektibong pamamahala at pag-unlad, habang ang RPVARA ay naglalayong i-modernisa ang real property valuation system upang mapabuti ang pagkolekta ng buwis na pakikinabangan ng maraming Pilipino.
Nanawagan ang Pangulo sa mga ahensya na siguruhin ang mabuting pagpapatupad ng mga bagong batas, at sa mga mambabatas naman na ipasa ang 17 priority bills mula sa LEDAC bago matapos ang taon para sa mas magandang pamumuhay ng ating mga kababayan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -