24.8 C
Manila
Linggo, Oktubre 6, 2024

Sen Bong Go suportado si VP Sara sa kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Bong Go hinggil sa ginawang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte. Narito ang kanyang pahayag sa kanyang Facebook page.

“Mula noon, hanggang ngayon, at hanggang sa mga darating pang mga pagsubok, kaisa ako ni Vice President Inday Sara Duterte lalo na sa hangaring ihatid ang aniya’y “tunay na malasakit para sa ating mga guro at kabataang Pilipino.”

“Kilala ko siya noon pang nagsimula siya sa serbisyo publiko at hanggang ngayon ay ipinapamalas niya ang kanyang husay, katatagan, dedikasyon at maprinsipyong pagsisilbi sa bayan.

“Maraming salamat po, Ma’am VP Inday Sara, sa inyong pagseserbisyo bilang Secretary of Education, sa patuloy mong pagsisilbi bilang Pangalawang Pangulo ng bansa, at sa walang tigil na pagmamalasakit sa bawat Pilipino.

“Gaya ng parati naming sinasabi, there is always a time for everything. Ito ang panahon para mas lalong unahin ang kapakanan ng ating mga kababayan.

“Daghang salamat ug padayon!!”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -