25.1 C
Manila
Martes, Nobyembre 5, 2024

Credit assistance sa mga OFWs, isinusulong ni Sen Lapid

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagbibigay ng Credit Assistance Program para sa mga Overseas Filipino Workers(OFWs).

Sa Senate Bill No. 2390 na inakda ni Lapid, tinatayang higit sa 2 milyong OFWs ang nagtatrabaho sa abroad noong 2016, base sa survey ng Philippine Statistics Authority(PSA).

Base sa records ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas sa 5.1 percent ang cash remittances ng OFWs na halagang $31,418 billion noong 2021 mula sa $29,903 billion noong 2020.

Ayon kay Lapid, sobrang laki ng ambag ng mga OFWs sa ekonomiya ng bansa mula sa kanilang ‘remittances’ kada taon.

Dahil dito, mas makabubuti na suklian natin ang kanilang sakripisyo sa ibang bansa para sa pamilya nila.

Makaka-avail ang mga OFW ng pautang na hanggang P50,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration(OWWA).

Ito’y upang magkaroon ng panggastos ang pamilya ng OFWs sa loob ng tatlong buwan, kabilang na rin ang bayad sa recruitment process at plane tickets.

Sa ilalim ng Lapid bill, ang utang ay pwedeng bayaran sa loob ng 12 buwang installments o higit pa pero hindi lalagpas sa 24 na buwan na may interest rate na anim na porsyento kada taon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -