MATAPOS manalo ng bronze ang Women’s Volleyball team na Alas Pilipinas sa Asian Volleyball Challenge Cup nitong May 29, 2024, ipinahayag ni Senator Bong Go, Chair ng Senate Committee in Sports, ang kanyang intensyon na suportahan ang grupo.
Kaya naman nitong Miyerkules, June 26, personal na sinaksihan ni Senator Bong Go ang pagbabahagi ng Philippine Sports Commission ng pinansiyal na suporta na nagkakahalaga ng P200,000 na isinulong ng senador para sa mga miyembro ng Alas Pilipinas at sa kanilang coaches.
Magagamit ito ng mga atleta para sa kanilang training at preparasyon sa nalalapit na International Volleyball Federation (FIVB) Challenger Cup 2024 na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Labis naman ang pasasalamat ng mga coach sa suport ng Philippine Sports Commission at ni Senator Bong Go para sa kanila.
Patuloy namang susuporta si Senator Kuya Bong Go sa mga atleta na buong determinasyon na iwinawagayway ang bandera ng Pilipinas sa mga international na patimpalak.
Laban, Alas Pilipinas! GO for Gold!