25.2 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 24, 2024

Sipi ng transcript ng press conference ni Sen Hontiveros hinggil kay Bamban Mayor Alice Guo

- Advertisement -
- Advertisement -

 NARITO ang ikalawang bahagi ng ng press conference ni Senator Risa Hontiveros (SRH) hinggil sa ilang isyu na tinatalakay sa Senado nitong Hunyo 28, 2024. Mula ito sa website ng Senate of the Philippines.

Q: Since na-establish yun na yung sa identity, no, meron pa kasi mga ibang allegations. So, kakamustahin ko lang, kamusta yung pagko-connect niyo? Like yung sa human trafficking dito nga kay, ah, Mayor Alice?

SRH: Apparently, kahit yung ating mga law enforcement authorities, batay sa natututunan nila sa aming imbestigasyon, they felt they had enough to actually file that case, ah, of, ah, qualified trafficking in persons against Mayor Alice Guo and 14 others.

Unfortunately nga, may dinamay pang at least apat na mga Pilipina, ah, led na nga by si, ah, Ms. Merlie Joy Castro, ah, tatlo lang ah, nakikita niya tuwing namamalengke siya sa Concepcion, Tarlac. Ginamit ang mga pangalan nila at kay Ms. Merlie Pekeng BIR TIN number para ilista sila bilang co-incorporators ng Hong Sheng Gaming Technology.

Kahit tulad nang sabi ni Ms. Merlie, wala siyang kaalam-alam sa POGO na shock na lang siya na dinawit siya nung inimbita ng aming komite sa hearing kahapon. Ah, grabe, ah, siya po ay dating vendor, naging BPO worker, ngayon naglalako ng isaw. Ang pagkakilala niya dun sa tatlo pang mga babae ay yung isa nagbebenta ng gulay, yung isa nagbebenta ng agahan sa umaga. So, talagang walang kakayahan na maging co-incorporator ng isang POGO hub.

Pinapuntahan pa ni Sen Sherwin yung kanilang mga bahay. At talagang napaka simple. Hindi talaga magiging bahay ng mga POGO operators.

So, tinanong ko rin kay DpJ IACAT chief Usec. Ty. Sir, paano na to? No, na-filean sila ng non-bailable offense. So, ang at least, ang naging payo ni Usec. Ty kay Ms. Merlie ay pwede niyang i-clear yung pangalan niya at tumulong din sa imbestigasyon ng DoJ at yung kaso nila laban kina Mayor Alice Guo.

Q: Ma’am, si Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi niya na parang nananawagan din siya kay Mayor Alice na ituro po yung mga sangkot dun sa iligal ng POGO. Do you share the same sentiment po with Sen. Sherwin?

SRH: Well, of course, kapag finally humarap ulit si Mayor Alice Guo sa aming hearing, that’s very reasonable mula kay Sen. Sherwin at mula sa aming buong komite. Kasi, intensyon talaga namin to get to the bottom of this. Tukuyin talaga yung mga roots ng ating POGO problem.

At hindi lang siya palalim, palawak pa, dahil nakikita namin na may ebidensya na yung Bamban po ng POGO hub ay may link pati dun sa Clark Sun Valley POGO na nauna na namin na-ocular at dun nakitaan namin ng video room at mga model para sa love scam.

At dito sa isa pang POGO hub, yung sa Porac naman, or rather yung sa Clark Sun Valley sa Pampanga din, yung Huang Zhiyang na sinasabing pinaka-boss sa Bamban, na inamin ni Mayor Alice Guo ay kasosyo niya sa Baofu, yung may-ari ng lupa kung saan nakatayo yung POGO sa Bamban. Yang si Huang Zhiyang ay incorporator din sa POGO sa Clark Sun Valley, Pampanga. So, ang daming interconnections, palalim at palawak.

Plus, yung Hongsheng Gaming Technologies, yung, yung kompanya na ni-raid, tapos nagpalit lang ng pangalan into Zun Yuan, dyan sa Bamban, Tarlac. Yung Hongsheng na yan at yung ni-raid ng PAOCC, ah, na POGO sa Porac naman, konektado rin. So, paano nangyari yun? Ayon din sa mga papeles na nakolekta sa raid, ang koneksyon nila ay sa pamamagitan ni Dennis Cunanan, yung dating deputy director general ng TLRC na may criminal conviction for corruption.

Hindi rin siya karating nung nakaraang hearing, bagamat nandun yung kanilang attorney.

Q: Ma’am, last question na lang. Ma’am, can you tell us more yung sinabi niyo po nung opening statement niyo last hearing na may nakita kayong koneksyon doon sa ah, naimbestigahan na ng Senado before? Can you tell us more?

SRH: Oo. Sa tamang panahon at palapit na yun, ibubunyag din po namin yun. Yung mukhang, at kaya sabi ko nga, hindi lang palalim pero palawak na koneksyon ng POGO problem natin. Maiko-konekta yata namin eh, sa isang nakaraang napakalaking imbestigasyon ng Senado nung nakaraang mga Kongreso ah, konektado dito rin sa POGO.

Q: Since na lumabas na nga po na peke ngang Pilipino, itong si Mayor Alice Guo, nung last hearing ma’am, na hearing ninyo sa NBI, na hanapin itong tunay na si Alice Real Guo, ano na po update ma’am dun? Nakita na po ba?

SRH: Hindi pa rin eh. At nabahala ako nung hearing para sa kanya, kaya hiniling sa NBI na hanapin siya, nasaan na ba siya? Siya ba ay buhay pa? O patay na? And ah, ang initial feedback ay in fact nauna pa galing sa inyong mga kasamahan sa media. Dahil pinuntahan yung address na nakalagay dun sa NBI clearance nung isa pang Alice Leal Guo. Apparently, hindi siya nakatira dun. Ibang pamilya, ibang apelyido ang nakatira dun, pinauupahan yung tirahan na iyon, minsan pang naging parlor. So, kumbaga, hindi mas naklaro yung misteryo, nadagdagan pa. Hindi na nga totoo yung ipinakilalang identity ni Mayor Alice Guo sa atin. So ngayon, naitatanong natin, sino naman itong isang Alice Leal Guo? So, dagdag na misteryo lang, hindi pa lalong kumlaro.

Q: Kasi very alarming, baka hindi lang po pangalan ang ninakaw po rito. Possible ba buhay din nung tao? Kasi hanggang ngayon, hindi pa malaman kung nasaan. Hindi ba na-identify kung may death certificate?

SRH: Wala pang ganun, pero talagang nakakabahala dahil malala na nga yung identity theft, ayaw po natin na nalalagay sa panganib or worse, ang buhay pa ng isa nating kababayan na mukhang ninakawan ng identity ni Mayor Alice Guo.

Q: Tututukan nyo rin po ba ito? Hindi nyo bibitawan kasi medyo alarming po, nagagamit na po yung mga kababayan natin. Possible kasabwat o possible wala ring alam o possible, nawawala na rin.

SRH: Tututukan po talaga namin ito at commitment po ng NBI nung nakaraang hearing, sa susunod na pagdinig ay iuulat nila ano ang nalaman nila tungkol dito sa isang Alice Leal Guo. At tama po kayo, identity theft hindi lamang sa kaso nitong isa pang Alice Guo pero doon na nga po sa kina Ms. Merlie at yung tatlo pang Pilipina na mukhang basta-basta nalang inilagay ang mga pangalan at pekeng BIR TIN ni Ms. Merlie doon sa incorporation papers ng Pogo Hub sa Bamban.

Q: Nung nakaraan nabanggit ni Sen. Win na may connection itong Bamban POGO Hub pati itong Pampanga na POGO Hub at sa Pasay, na iisa lang daw yung konektado rito na Chinese National. Ito ba may related din po ba doon sa nakaraang hearing ng Senado sa Pharmally?

SRH: Ah, nakafocus pa lang kami ngayon sa personahe ni Huang Zhiyang dahil mukhang may connection siya pareho sa POGO Hub sa Bamban at POGO Hub sa Porac. So, hindi pa namin siya naikakabit sa iba pang mga illegal or criminal activities pero sa susunod na hearing ay pwede namin itanong at i-place on record kung pati yung POGO Hub na inocular din namin, ni-raid muna tapos inocular din namin sa Pasay kung meron din siyang koneksyon doon.

Q: Bukod kay Dennis Cunanan, may lumalabas pa bang ibang Pilipino officials na nasa taas ni Dennis Cunanan, na involved po rito?

SRH: So far, si Dennis Cunanan yung lumalabas na mayroon kaming mga documentary evidence ng connection at nag-konekta sa mga POGO Hubs sa Bamban at saka sa Porac. Kapag hindi lamang yung abogado niya, kundi siya mismo ay humarap na sa susunod naming pagdinig, ay pwede pa naming itanong kung may iba pang nasa level niya or mas mataas pa sa kanya na mga Pilipinong official o dating official na kasabwat dito.

Q: If Alice Guo is really Guo Hua Ping who is a Chinese national, ang assumption dito, yung tatlo niyang kapatid, especially si Sheila Guo, are also Chinese nationals.

SRH: It’s possible. At aming ding i-eestablish yun. Dahil kung si Sheila Guo, si Siemen Guo, saka si Wesley Guo ay pare-pareho ring anak nung dalawang magulang ni Mayor Alice Guo o ni Guo Hua Ping na parehong Tsino. And in fact, some of them were mentioned dun sa application ni Lin Wen Yi sa kanyang application para sa Special Investment Resident Visa, then it would follow na hindi rin sila mga Pilipinong mamamayan kundi mga Tsino. So, i-fo-follow up po namin yun sa susunod na hearing.

Q: And since they are not holding public positions, what will happen to them?

SRH: Yun yung aming itatanong sa mga government departments and agencies natin na may kinalaman dito sa tamang dapat na pagproseso at paghahawak ng Filipino citizenship.

Q: You mentioned earlier na you may cite in contempt si Alice Guo. And if that happens, ano pong mangyayari? Will you also issue an arrest order against her?

SRH: Well, pag dinedma na naman niya ulit, hindi lang yung imbitasyon, kundi yung subpoena na ng komite. And I already warned the Mayor about this. I already warned Guo Hua Ping about this. I will cite her in contempt. At alam niya, tulad ng karanasan ng ibang mga uncooperative resource person sa mga komite sa Senado, ang practical implication ng pag-cite in contempt ay pag-detain sa Senate premises. So kung ayaw niyang mangyari iyon, gusto niyang iwasan iyon, simpleng i-honor niya yung subpoena ng komite at magpakita sa susunod na hearing.

And ganun din po sa mga kapatid niya and then yung sa posibleng magulang niya. Although sinasabing wala na silang yung dalawa, yung magulang niya wala na sa Pilipinas.

SRH: Yun na nga eh. Sinasabing wala na daw sa Pilipinas yung dalawang magulang ayon sa records ng Bureau of Immigration pero at least yung tatlong kapatid ay probably or possibly man lang andito pa sa Pilipinas. Sinama na rin sila sa subpoena ng komite nung nakaraang hearing so mas mabuting magpakita din sila sa susunod na pagdinig.

Lalo na’t yung isa din, at least isa din sa kanila if I remember correctly ayon sa PSA ay irregularly din obtained ang birth certificate and therefore could also be subject to cancellation of birth certificate on the part of the Office of the Solicitor General.

Q: Also yung previous hearing hindi ko lang po maalala if it was under your Committee or kay Senator Bato or kay Senator Win. Nabanggit na yung Sun Valley yun sa Clark. But the owners and officers of that company were not invited to appear or kung na-invite man sila hindi sila humarap eh. This time will you invite them to appear in your Committee?

SRH: Actually sa mahabang listahan nung mga hindi nagpa-unlak sa imbitasyon, kaya’t sinubpoena na ng komite kasama na po yung mga officers ng Clark Sun Valley POGO Hub. So the warning to Mayor Alice Guo and her family members extends also to them na magpakita na sila, paunlakan na nila yung subpoena ng komite.

Dagdag lang kung anong mangyayari kina Sheila at Wesley Guo, i-check po natin yung mga korporasyon na may majority share sila dahil mayroon yung mga iyon. At kung ginamit nila yung Filipino citizenship para maging majority shareholders, para sila’y gawing majority shareholders doon, kailangan niyang imbestigahan ng Securities and Exchange Commission. Dahil mayroon tayong constitutional mandate, di po ba, tungkol sa majority Filipino ownership sa mga Pilipinong kumpanya.

Q: Natanggap niyo na po ba from the NBI yung official transmittal o yung document regarding dito sa fingerprint?

SRH: Opo, natanggap na po namin yung official findings ng NBI doon sa fingerprints.

Q: You gave a press release po kahapon with your reaction dito nga po sa result ng NBI examination. Pero can we get you na rin po on-cam? Ano po ang masasabi ninyo dito po sa findings ng NBI?

SRH: Okay. Well, ang findings dito ay unang-una para kay Mayor Alice Guo mismo na Mayor Alice, wala talagang sikretong hindi nabubunyag because the NBI has confirmed that the fingerprints of Guo Hua Ping and the fingerprints of Mayor Alice Leal Guo match.

Ibig pong sabihin, they were both affixed by one and the same person. And this confirms what I have suspected all along, na si Mayor Alice Guo, na sa totoo ay si Guo Hua Ping, ay hindi totoong Pilipino. Siya ay huwad o pekeng Pilipino. She is a Chinese national masquerading as a Filipino citizen in order to give cover to POGO at yung mga criminal activities na ginagawa sa loob at sa ilalim ng POGO.

At ito po, huwag nating kalimutan, napakalaking insulto sa mga botante ng Bamban, unang-una na. Insultong malaki sa mga institusyon ng ating gobyerno. At insulto din sa bawat mamamayang Pilipino.

At itong pagmatch ng mga fingerprints ay pinakamabigat na ebidensya na para tanggalin si Mayor Alice Guo sa kanyang pag-upo bilang Mayor. Maraming salamat sa National Bureau of Investigation sa pangmumuno ni Director Jaime Santiago sa kanilang mabilis at maagap na pagharap sa isyung ito.

I call now on the Office of the Solicitor General to expedite the filing of their quo waranto case against Mayor Alice Guo. Dapat mapanagot siya sa lahat ng mga krimen na ginawa niya at mga krimen na ginawa ng POGO Hub sa ilalim ng kanyang watch at sa kanyang active participation diyan.

But of course, this revelation is not the end. So, Guo Hua Ping, sooner than later, we will uncover the rest of your deceptions. We will know and we will make known to the Filipino public the extent of this deception.

Q: You said ito po yung pinakamabigat na ebidensya. But are you still waiting po for findings from other government agencies na magkacorroborate po doon sa allegation or doon sa statement na Mayor Guo is indeed Guo Hua Ping?

SRH: I think this is the single strongest piece of evidence already. And salamat din sa iba’t ibang mga government agencies that in fact had been coordinating with each other to corroborate the pieces of evidence they had been collecting so far parallel to our investigation. Pero ngayon pa lang, ito na po yung pruweba, 100%, na si Mayor Alice Leal Guo ay hindi yung taong sinasabi niya, kundi siya ay walang iba kung hindi si Guo Hua Ping.

Q: Pero, ano pa po yung hinihintay natin na reports, siguro, to support ito pong fingerprint matching na result?

SRH: Well, yung NBI, yung pinaka may mandate at expertise para dito, so their findings on this are gold dahil 100% na patunayan nila na yung Guo Hua Ping na affix yung fingerprint doon sa pag-apply para sa earlier special investment resident visa at yung Mayor Alice Leal Guo na may fingerprint sa kanyang NBI clearance ay one and the same person. So wala nang duda dyan.

Q: Ang sabi po ng abogado ni Mayor Guo, premature pa rin yung findings ng NBI. Anong reaction niyo po doon?

SRH: I suppose that’s the kind of reaction to be expected, pero siguro kahit sinong abogado alam na kapag fingerprint match, halos unassailable na yan. At kung hindi alam ng isang abogado iyan, mukhang alam na ng buong publiko dahil kitang kita po ang ebidensya.

Q: So wala nang lusot ma’am?

SRH: Palagay ko wala nang lusot kapag ang NBI nagsabi na yung itong set of fingerprints ng isang pangalan at itong set of fingerprints ng iba pang pangalan ay magkaparehong magkapareho finger by finger, eh logical na conclusion led by the NBI na iisang tao lamang ito.

Q: Ang sabi na ni Solicitor General Guevara, anytime daw magpa-file na siya ng quo warranty case against Alice Guo. But moving forward, do you think the government should start a crackdown on other local officials na parang Alice Guo din ang peg?

SRH: Palagay ko opening na para sa buong gobyerno at in particular yung certain departments at agencies niya, itong aming imbestigasyon laban sa POGO. Kung ang naging modus operandi sa Bamban POGO Hub ay yung pag-place ng isang mayor o pagprotekta ng isang mayor sa POGO Hub and under false pretenses as a Filipino citizen, baka yun na rin yung isang angulo ang pwede nilang i-check na hindi modus operandi din sa ibang mga POGO Hubs.

Q: You previously mentioned po na hindi niyo po ipa-finalize yung committee report on this hanggat hindi pa nailalabas ng panel yung isa pang imbestigasyon na ito pong POGO mess is connected sa isang very evil phenomenon na naimbestigahan na po ng Senado noon. May we ask po kung ano po yung tinutukoy niyo dito na evil phenomenon? Is this the Pharmally scandal? And ano rin pong possible implication po nito?

SRH: At the proper time, ibubunyag namin kung alin pa itong nakaraang malaking imbestigasyon ng Senado noong nakaraang kongreso. And at that proper time, ipapakita namin kung ano yung mga seryoso talagang implikasyon. Mga implikasyon na covered na rin ng aming current POGO investigation. Mga implikasyon ng paglabag sa karapatang pantao, lalo na ng mga kababaihan at bata. Mga implikasyon ng paglabag ng mga labor standards. Implikasyon ng pag-corrupt sa ating mga government agencies. Implikasyon ng mga transnational crimes katulad ng human trafficking. At syempre mga related na issues ng, yun na nga, corruption at saka dereliction of duty within government.

Q: Ma’am isang question lang po. How about po kung hilingin ng kampo po ni Mayor Alice na yung ano is ipasuri din po sa independent fingerprint experts. Would you support it? Kasi baka anticipate lang na questionin talaga nila.

SRH: Unnecessary. At saka magugulat ako or baka hindi ako magugulat pero mas magugulat ako pag hiniling nila iyan. Dahil sino naman ang pwedeng kumwestiyon sa independence ng National Bureau of Investigation. Of course that’s within their right to request that. Pero wag na nila sigurong hingiin na idaan sa komite if ever they would have to present their own pieces of evidence. Pero para sa’kin nung inilabas kahapon ng NBI na match talaga sa kanilang scientific study nung dalawang sets of fingerprints ni Guo Hua Ping at ni Alice Leal Guo na parehong tao ito. Para sakin gold na yan.

Q: Ma’am, reaction lang dun po sa naging recent raid ng PAOCC sa Fontana naman po sa Pampanga na ni-raid po nila yung five villas and allegedly dun daw po kasi nakita yung mga co-incorporators ni Alice Guo sa Baofu Compound and yung mga nahuli po ma’am sa Bamban and sa Porac dun po allegedly nagsipuntahan, nagsitago. What does it say sa kung gaano kalawak na itong so-called POGO Web? Lalo na po Pampanga ulit ma’am.

SRH: Napakalawak nga talaga, di ba? At napakalapot. Una, mabuhay sa PAOCC TF. Hindi sila tumitigil sa pagtugis sa mga POGO Hubs na kinikilala na natin nagiging kuta ng iba’t ibang mga krimen at paglabag sa karapatan ng ating mga mamamayanan. Vilas na naman, no? So parang similar architecture sa nakita natin for example sa POGO Hub sa Bamban.

At kung dito rin, sa Fontana, nakita yung mga documentary evidence na napakabigat niyan na may co-incorporators or may interlocking directorates between Fontana and Bamban and Porac at yung nauna ng Clark Sun Valley. Ibig sabihin, hindi ito magkakahiwalay na kumpanya. Lumilitaw na talagang probable mayroong some kind of group of companies at kapag nare-raid yung isa at may mga nakakatakas ay talagang tumatakbo na lang sila dun sa kabilang mga hubs. Yan po yung isang teoryang lumilitaw during our investigation at mukhang sa mga raid na ito ng PAOCC napatutunayan na may mga mga ebidensya para diyan. So, we are really faced not with stand-alone POGO hubs or companies, pero posibleng isang network ng mga ito. Kaya yung sinasabi ng iba’t-ibang resource persons na whole of government or whole of society approach, kinakailangan talaga bago mahuli ang lahat.

Q: May I just ask if possible, ma-imbestigahan niyo din po ito sa Senate sinc epossibly daw po dun nag-renta yung sina Huang Zhiyang and Zhang Ruijin na yun nga po yung mga na-convict into money laundering scheme sa Singapore.

SRH: Posibleng tingnan din po namin iyan sa pagkompleto ng aming investigasyon sa POGOs and dun sa binanggit nyo nga ang biggest money laundering case sa Singapore, nagdawit ang dalawang kasosyo ni Mayor Alice Guo, doon sa Bamban. I also hope na dahil mukha talagang itong POGO ay hindi lang national kundi regional at international problem, I hope na magkakaroon o nagkakaroon na rin ng coordination sa pagitan ng ating mga national government agencies at yung sa ibang mga bansa na kumikilos din laban sa POGO.

Q: Yung naging yung sa fingerprint result po, nagulat pa po ba kayo or you were somehow expecting na iisa talaga yung fingerprints nitong ni Guo Hua Ping at ni Mayor Guo po?

SRH: Actually, hindi na ako nagulat. Malaking relief lang at pasasalamat sa NBI na talagang pinatunayan nila based on documentary evidence at based sa scientific study, expert study nila doon sa documentary evidence na iyo na mga two sets of fingerprints sa mga government forms na tulad nung aming pinagsususpechahan, itong si Mayor Alice Guo ay actually si Guo Hua Ping. And para po sa iyo, at lahat po nang nagtanong din ito kanina, it’s just a breaking news just for us, no, na NBI has allowed us to release the PDF copy of the fingerprint report. So makakarating na po sa inyo yun.

Q: So you think wala nang pwedeng maidahilan si Mayor Guo to say na hindi siya si Guo Hua Ping? You think solid na itong fingerprint results na po?

SRH: I think solid na po talaga itong fingerprint results under two different names, years apart, pero ayun pa rin ang fingerprints nung nag-iisang taong ito, si Guo Hua Ping.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -