25.5 C
Manila
Biyernes, Hulyo 5, 2024

Archbishop Paul Gallagher ng Vatican bumisita sa Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Vatican Secretary for Relations with States and International Organizations, Archbishop Paul Gallagher, sa Palasyo, bilang bahagi ng limang araw na pagbisita ng Vatican official sa bansa.

Sa courtesy call, ipinaabot ni Archbishop Gallagher ang pagbati ni Pope Francis kay PBBM at sa sambayanang Pilipino. Ayon sa kanya, nagpapasalamat ang Santo Papa sa mga Pinoy para sa kanilang mga kontribusyon sa Simbahang Katolika, ‘di lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo habang dinadala ang kanilang pananampalataya sa trabaho.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -