29.9 C
Manila
Linggo, Hulyo 7, 2024

Pangandaman, magbibigay ng keynote message sa ika-28 na Mindanao League of Local Budget Officers Convention

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKATAKDANG magbigay ng kanyang keynote message si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman sa harap ng 700-800 na participants sa 28th Mindanao League of Local Budget Officers (MLLBO) conference.

Sa temang “Better Public Financial and Administrative Management for a Better and Sustainable Mindanao,” gaganapin ang MLLBO convention sa bayan ng Mambajao, Camiguin sa ika-3 ng Hulyo taong 2024.

Layon ng MLLBO convention na palakasin pa ang kakayahan ng mga lokal na budget officer sa Mindanao. Ito ay para bigyang-diin ang mahalagang papel ng mga opisyal ng pamahalaan, finance, at budget personnel sa pagtiyak ng epektibong pampublikong pamamahala sa local governance level.

Sa kumperensiyang ito, magkakaroon ng mga technical sessions, kabilang ang mga talakayan tungkol sa Special Health Fund, mga update sa kompensasyon ng local personnel compensation at benefits, impormasyon tungkol sa Government Procurement Policy Board (GPPB), at ang internal audit manual. Mayroon ding sesyon tungkol sa local government support fund, partikular sa pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga LGU.

Makakasama ni Secretary Mina sina DBM Undersecretaries Wilford Will Wong at Goddes Hope Libiran sa aktibidad na ito.

Makakasama rin sa aktibidad sina  MLLBO President Atty. Percy Salazar, na siyang mangunguna sa  formal opening of Convention Message, gayundin sina Yñigo Jesus Romualdo, Municipal Mayor  Mambajao at Xavier Jesus Romualdo, na governor.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -