24.8 C
Manila
Linggo, Oktubre 6, 2024

Kakulanganng mga health workers, tinutugunan ng DoH Mimaropa

- Advertisement -
- Advertisement -

TINUTUGUNAN ng Department of Health (DoH) Mimaropa Center for Health Development sa pamamagitan ng kanilang Human Resources for Health (HRH) Deployment Program ang kakulangan ng manggagawa sa mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon.

Ayon kay DoH CHD Mimaropa Regional Director Mario Baquilod sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas noong Hunyo 2, nangangalap ang ahensya ng mga posibleng health workers na itatalaga sa bawat lalawigan at mapabilang sa kanilang scholarship program para maging ganap na nurse, midwife, nutritionist, medical technician at iba pa.

Ilan din sa mga binibigyan ng ahensya ng oportunidad na maging manggagawa ay ang mga estudyanteng katutubo na naninirahan sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), at mga lugar sa rehiyon na ang mamamayan ay maliit lamang ang kinikita.

Dagdag pa ni Baquilod, ang HRH Deployment Program rin ang magsasanay sa mga bagong health workers bago italaga sa mga LGU at pagkakataon din na mabigyan pa ng trabaho ng lokal na pamahalaan sa hinaharap.

“Patuloy namin ino-augment ang mga health workers kung saan mayroon mga nurses, midwives, medtech at iba pang uri ng health workers. Ito ay tumaas noong 2023 na nasa 822 at itong taong 2024 ay nasa 800. Kasama rin sa programang ito ang ‘Doctors to the Barrio’ na kung saan, lahat ng munisipyo sa rehiyon ay mayroon isang nakatalagang doctor,” saad ni Baquilod.

Ang programang “Doctors to the Barrio” ay nilikha ng DoH noong 1993 upang tugunan ang kakulangan ng mga doktor na nagsasanay sa mga komunidad sa kanayunan sa Pilipinas. Ayon sa DoH, mula noon, ilang grupo ng mga doktor ang na-deploy sa iba’t ibang isolated at disadvantaged areas sa bansa upang magtrabaho sa pangunahing pangangalaga at pampublikong kalusugan. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -