28.7 C
Manila
Martes, Agosto 27, 2024

Tangere: Lito Lapid, Lucky 7 sa Top 12 sa 2025 Senatorial Survey

- Advertisement -
- Advertisement -

INILABAS na ng Tangere survey ang listahan ng 12 potensyal na kandidato na posibleng magwagi sa karera sa pagkasenador sa darating na 2025 midterm elections.

Nangunguna si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, na may nakuhang 57 percent.

Nasa ika-apat na pwesto si dating Senador Tito Sotto, may 43.75 porsiyento, at si incumbent Senator Pia Cayetano ay nasa ikalimang puwesto sa nakuhang 41.25 porsiyento.

Si Senador Lito Lapid ay nasa top 7 na may 40.08 porsiyento.

Todo ang pasalamat ni Lapid sa mga taong patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya at hindi siya titigil sa paglilingkod para sa mga Pilipino.

Sinasamantala ni Lapid ang kasalukuyang break sa Senado upang mag-ikot ikot sa bansa para mamahagi ng ayuda sa mga senior citizen, PWDs, single parents, TODA drivers, mga mangingisda at mga estudyanteng nangangailangan ng tulong.

Si Lapid ay gumaganap na Supremo(Primo) sa primyadong teleserye na FPJ’s Batang Quiapo.

Bago maging bida sa pelikula, nagumpisa ang Senador bilang extra at stuntman kina FPJ, former President Erap Estrada at iba pa.

Ang Tangere survey ay isinagawa mula Hunyo 11 hanggang Hunyo 15, 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -