28.2 C
Manila
Biyernes, Setyembre 6, 2024

VP Sara nagpasalamat sa DepEd sa 2024 National Brigada Eskwela Kick-Off Program

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa ginanap na 2024 National Brigada Eskwela Kick-Off Program sa Carmen National High School sa Carmen, Cebu nitong Hulyo 17, 2024. Narito ang kanyang pahayag.

“Lubos ang aking pasasalamat na maging bahagi ng 2024 National Brigada Eskwela Kick-Off Program sa Carmen National High School sa Carmen, Cebu noong ika-17 ng Hulyo. Ito ang pang-anim na event ng Department of Education sa probinsya ng Cebu sa loob ng dalawang linggo at panghuli ko bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Daghang salamat mga kaigsuonan kong Sugbuanon!

“Layunin ng Brigada Eskwela na masigurong handa ang ating mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase katuwang ang lahat ng ating mga education stakeholders. Salamat sa ating mga partners sa suportang ibinibigay ninyo para sa ating mga Pilipinong mag-aaral.

“Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang para tugunan ang pangangailangan ng mga paaralan kundi para maipakita rin natin ang pangangailangang magsama-sama at magtulong-tulong sa ilalim ng Pilipinong katangian ng “Bayanihan”.

“I will truly miss the Department of Education. Maraming salamat sa ating mga masisipag at matatag na mga guro.” Mula sa Facebook page ni Inday Sara

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -