24 C
Manila
Sabado, Enero 25, 2025

Cayetano, sinita ang DPWH sa hindi kumpletong flood control projects sa gitna ng Bagyong Carina

- Advertisement -
- Advertisement -

NABAWASAN sana ang mga epekto ng Bagyong Carina kung natapos lang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang matagal nang flood control projects nito, ayon kay Senator Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos isailalim sa state of calamity ang Metro Manila at limang kalapit na lalawigan matapos malubog sa matinding pagbaha dahil sa bagyo, na nakaapekto sa 882,861 indibidwal o 183,464 pamilya mula sa 686 barangay sa buong bansa nitong July 24, 2024.

“It’s a direct result of years of inaction on crucial flood control projects. This delay isn’t just a failure, it’s a disservice to our communities that are now left unprotected and vulnerable,” sinabi ni Cayetano nitong July 26, 2024.

Pinuna na ni Cayetano ang DPWH sa pagdinig ng Senado noong nakaraang taon sa 2024 national budget dahil aniya sa sa maraming taon nang pagkaantala sa pagkumpleto ng flood control projects. Kinuewestiyon niya ang paglalaan ng pondo sa mga proyektong ito at iminungkahi na ituon ito sa paggawa ng mga bagong imprastraktura.

“Natuklasan n’ung hearing na y’un [na] may flood control part na hindi tinuloy ng gobyerno. And this was more than 10 years ago and after that I thought maaayos na lahat,” wika niya.

Kinuwestiyon din ni Cayetano ang maintenance at rehabilitation budget ng DPWH, na lumampas sa P200 bilyon —humigit-kumulang sa kabuuang budget nito na P737 bilyon — at  kung paano nabigo ang mga proyektong ito na tugunan ang isyu.

“We’re not building better, we’re maintaining and rehabilitating. You’re not putting money into building more networks, you’re putting money into maintaining it,” wika niya,

“Is there something wrong with the kind of public works we do? Kasi kung parang one is to one na y’ung bago sa pine-preserve mo, ibig sabihin, either hindi maganda y’ung pagkagawa or napakaluma na,” dagdag niya.

Bilang chair ng Senate on Science and Technology, hinimok din ni Cayetano ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na palakasin ang modernization program at hazard mapping nito upang tulungan ang DPWH sa pagpili ng mga magandang lokasyon para sa flood-related infrastructure.

“Out of the P1 trillion sa DPWH budget ay P250 billion ay flood control. But if you spend P30-40 billion budget on hazard mapping that informs where not to build (and) which river to protect, you may not need P250 billion in flood control in the future,” wika niya.

“We seem to be neglecting science. Reaction lang kasi after reaction ang paggawa at tinatabunan lang ang maling gawa sa isa,” dagdag niya.

Upang makamit ang mga plano ng gobyerno na tugunan ang malawakang pagbaha sa bansa at mabawasan ang mga gastos, nanawagan si Cayetano ng mas malakas na suporta at tamang pagpopondo para sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Science and Technology (DoST).

“Investing in their capabilities is investing in our nation’s resilience against future disasters,” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -