IPINAALALA ni Senador Loren Legarda ang kasaysayan ng pagkakatatag ng Pambansang
Aklatan ng Pilipinas.
Aniya, “Noong ika-12 ng Agosto 1887, itinatag ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas bilang Museo-Biblioteca de Filipinas. Ito ngayon ang pambansang repositoryo ng mga naitalang pamanang kultural ng bansa, pati na rin ang iba pang mapagkukunan ng intelektwal at pampanitikang impormasyon.
“Hinihikayat ko ang lahat na bisitahin ang ating Pambansang Aklatan, tuklasin ang kayamanang taglay nito, at palalimin ang pag-unawa sa ating kasaysayan at kasalukuyan. Sa panahon kung saan ang impormasyon ay nasa ating mga kamay, huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng ating mga institusyong patuloy na nagpapayaman ng ating isipan at diwa.” Post mula sa Facebook page ni Senator Loren Legarda