28.1 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Masayang ‘Pagbibigay Dangal: A Heroes Welcome Celebration,’ para sa mga Pinoy Olympians

- Advertisement -
- Advertisement -

MULA Paris ay sinundo ang 22 atletang Pilipino nitong Agosto 13 lulan ng Philippine Airlines para sa makasaysayang pagsalubong sa mga atletang itinuturing ngayong mga bayani ng bansa.

Pagdating ng ating mga pambansang atleta mula sa Olympics sa Villamor Airbase ay mainit silang sinalubong ng kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. Isang inspirasyon ang kanilang tagumpay para sa sambayanang Pilipino.

Sa Malakanyang naman ay sinalubong ang mga Olympian nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, Vincent at Simon Marcos.


Sa isang masayang programa at hapunan ay ginawaran ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Olympic gold medalist Carlos Yulo ng halagang P20 milyon at Presidential Medal of Merit.
Samantala, tig-P2 milyon ang ibinahagi ni PBBM sa mga bronze medalist na sina Aira Cordero Villegas at Nesthy Alcayde Petecio, at tig-P1 milyon naman para sa iba pang mga nakilahok sa 2024 Olympics. Kinilala ng Pangulo ang dedikasyon ng mga atleta, maging ang suporta ng kanilang mga coach, trainer, at mahal sa buhay. Binigyang-diin din niya ang layuning isulong pa ang sports development sa Pilipinas.
Kahapon, Agosto 14, 2024 ay hindi magkamayaw ang mga sumaksi sa makasaysayang parada ng mga atleta habang iwinawagayway nila ang watawat ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng ‘Pagbibigay Dangal: A Heroes Welcome Celebration,’ isang parada ang isinagawa mula sa Aliw Theater sa Pasay patungo sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, bilang pagpupugay sa kanilang kahanga-hangang laban para sa bayan.
Halaw ang teksto sa ulat ng PCO
Mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -