KAILANGAN nang harapin ang isyu sa Saligang Batas tungkol sa kwalipikasyon ng mga magiging Shari’ah judges, ngayong marami nang vacancy sa mga Shari’ah court sa bansa.
Iginiit ito ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla Miyerkules ng gabi sa kanyang talumpati sa mga pumasa sa 2024 Special Shari’ah Bar Examinations.
“Yan ang mga bagay na sana maayos natin, magkaroon ng kalinawan. Kaya nakikiusap tayo sa ating mabubuting loob na justices na sana dumating ang araw na ma-realize natin talaga na meron talaga sa Constitution na mga kailangan nating harapin,” aniya.
“Sa Constitution kasi sinasabi doon na pwede lang na Shari’ah judge e (myembro ng) Philippine Bar,” dagdag niya.
Noong Agosto 12, ihinain ni Padilla ang Resolution of Both Houses 10 upang tugunin ang kakulangan ng bilang ng mga Shari’ah judges lalo na sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Minumungkahi ng RBH 10 naamyendahan ang probisyon upang hindi na kinakailangan ang membership to the Philippine Bar para sa mga Shari’ah judges.
“Personal accounts of our Muslim brothers and sisters indicate difficulties in accessing these courts due to geographical location, prompting Congress to pass a law to create additional Shari’a judicial districts and circuit courts outside of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM),” ani Padilla sa resolusyon niya.
“Filling the vacant positions in Shari’a courts is also a persistent problem for our Muslim brothers and sisters due to the restrictions set forth by the Constitution,” dagdag niya.
Pakinggan ang video sa link na ito:
Sen. Robin sa Shari’ah Bar Passers: Kailangan nang Harapin ang Constitutional Issue sa Shari’ah Courtshttps://www.facebook.com/ROBINPADILLA.OFFICIAL/videos/1245143686857544