25.9 C
Manila
Lunes, Marso 4, 2024

UPSW ng PCUP magtatapos bukas sa Mandaluyong

- Advertisement -
- Advertisement -

DILIMAN, Lungsod Quezon —2,000 kinatawan ng maralitang tagalungsod ang inaasahang dadalo bukas sa pagtatapos ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa City College of Mandaluyong sa Mandaluyong City.

May temang ‘Ika-36 na taon ng Pinag-ibayong Serbisyo tungo sa Pagbangon ng Maralitang Pilipino: Pusong PBBM, Pusong Pilipino’, ang pagdiriwang ng UPSW ay alinsunod sa mandato ng PCUP na makipag-ugnayan sa sektor ng mahihirap sa bansa at mapalapit sila sa pangangalaga ng pamahalaan.

Ayon kay chairperson and chief-executive-officer Undersecretary Elpidio Jordan Jr., ang isang-linggong selebrasyon ay nagtatakda ng buong pagsuporta ng PCUP sa poverty alleviation program ng administrasyong Marcos na ang layunin ay mapabuti ang pamumuhay ng mga maralita sa buong kapuluan.

“Ito ang paraan namin upang maipakita ang dedikasyon ng ating gobyerno sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. na pagsilbihan ang publiko sa pamamagitan ng pag-aaruga sa ating mamamayan para makamit nila ang kinakailangang serbisyo para mapaigi ang kanilang pamumuhay at mapagtagumpayan ang kahirapan,” pinunto ni Usec. Jordan.

Pinangungunahan ang pagdiriwang ng UPSW ng Lungsod ng Mandaluyong sa pamumuno ni Mayor Benjamin Abalos Sr., na nangako ng buong pagsuporta sa mga programa at proyekto ng PCUP para sa kapakanan ng mga maralitang tagalungsod at gayun na rin ang mga informal settler family (ISF).

Sa pagtatapos nito bukas, hindi lamang ang matibay na ugnayan ng urban poor at pamahalaan ang napatunayan sa pagdiriwang kundi maging ang paggawad ng Natatanging Lingkod Maralita Award sa urban poor organizations (UPOs) and local government units (LGUs) at sa kani-kanilang mga lider pati na rin ang paglunsad ng apat na banner program ng Komisyon.

Bukod dito, magkakaroon din ng isang cultural presentation mula sa PCUP Dance Group at mga pagtatanghal mula sa mga urban poor organization (UPO) at iba pang mga kalahok.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -