27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Gatchalian umaasa ng isang ‘honest to goodness’ na Basic Education Report sa katapusan ng buwan

- Advertisement -
- Advertisement -

Habang nakatakdang ilabas ng Department of Education (DepEd) ang basic education report sa katapusan ng buwan, inaasahan ni Senador Win Gatchalian ang isang honest to goodness o tapat na assessment sa sektor, kabilang na ang mga tiyak na hakbang upang tugunan ang krisis na kinakaharap ng bansa sa edukasyon.

Ibabahagi ng DepEd ang Basic Education Report (BER) 2023 sa Enero 30, kung saan isasaad ang lagay ng basic education sa bansa. Magiging bahagi ng ulat ang mga update sa isinasagawang review sa K to 12 curriculum.

Ayon kay Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, kinakailangan ang isang honest to goodness assessment upang matalakay nang husto ang mga hamong kinakaharap ng mga sektor, lalo na’t lumala ang mga hamong ito dahil sa pandemya ng COVID-19 at ang matagal na pagkawala ng face-to-face classes.

Tinukoy din ni Gatchalian ang papel ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) upang talakayin ang krisis sa sektor ng edukasyon at magpanukala ng mga kinakailangang reporma. Mandato sa EDCOM II na repasuhin ang performance ng sektor ng edukasyon at magrekomenda ng mga repormang mag-aangat sa competitiveness ng mga Pilipino. Co-chairperson si Gatchalian ng komisyon na nakatakdang magsimula ng pag-aaral ngayong Enero.

“Upang matugunan natin ang krisis sa sektor ng edukasyon, kailangang kilalanin natin kung gaano kabigat ang mga hamong ating kinakaharap. Patuloy din nating isusulong ang mga kinakailangang reporma upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang pinsalang dulot ng pandemya,” ani Gatchalian.

Bago pa tumama ang pandemya ng COVID-19, lumalabas na sa mga international large-scale assessments na hirap na ang mga mag-aaral ng bansa pagdating sa basic competencies. Sa 2018 Programme for International Student Assessment kung saan 79 bansa ang lumahok, Pilipinas ang nakakuha ng pinakamababang marka pagdating sa Reading. Ang Pilipinas din ang nakakuha ng pangalawang pinakamababang marka pagdating sa Mathematics at Science. Lumalabas din sa resulta ng PISA na isa lamang sa limang mag-aaral na labinlimang taong gulang ang may taglay na minimum proficiency sa bawat subject.

Tinataya din ng World Bank na pagdating sa learning loss, bababa ang earning adjusted years of schooling (LAYS) mula 7.5 taon pababa sa humigit-kumulang anim na taon. Ibig sabihin, magiging katumbas na lamang ng anim na taon ang 12 taon ng basic education.

Tinataya din ng World Bank na pumalo na sa 90.9% ang learning poverty sa bansa. Ang learning poverty ang porsyento ng mga batang sampung taong gulang na hindi marunong bumasa o umunawa ng maikling kwento.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -