27.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 24, 2024

Pagkuha ng passport pinadali

- Advertisement -
- Advertisement -

SIMULA sa Lunes, Hulyo 24, iniklian na ang panahon ng paghihintay ng mga aplikante sa pagkuha ng passport, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ipinaliwanag ni Office of Consular Affairs Asec. Henry Bensurto Jr. na ito ay sa parehong regular o express application.

“Pag regular passport [ang inapplyan], nare-release siya ng mga 12 hanggang 14 days po. Pero ngayon, napaiksi na natin siya ng up to 10 days na so in 10 days, mare-release na,” sabi ni Bensurto.

Limang araw naman pag express. Dagdag ni Bensurto, “Pag express po, 7 days. Ngayon po, 5 days na lang.”

Agad na nilinaw ng kalihim na para lamang ito sa mga taga-Metro Manila.

PinoyPara sa mga tanggapan ng consular sa ibang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao, magkakaroon din ng mabilis na proseso pero hindi limang araw dahil sa shipping ng mga passport.

“Doon po sa mga consular offices na located sa ibang parte ng Luzon, sa Visayas, at Mindanao, ‘yung regular passport po na 15 days, nababaan po natin ‘yan to 12 days. At ‘yung express naman na 10 days, ngayon naman ay 7 days na lang,” paliwanag ni Bensurto.

Umikli rin ang oras ng paghihintay ng mga nangangailangan ng services ng mga courier. “Kung ‘yung mga aplikante naman po ay nag-avail ng services ng mga courier, normally po dati ang express [application] ay mga 12-15 days, ngayon po ay 10-12 na. And then kung regular po, dati umaabot ng 20 days, ngayon po 15-17 days na.”

Masaya ding ibinalita ni Bensurto na halos wala nang nararamdamang mahahabang pila sa tanggapan nila.

Madali na ring kumuha ng appointment online, aniya.

Kung noon ay umaabot sa anim hanggang pitong buwang ang pagkuha ng appointment para sa passport, ngayon ay makakakuha na sa loob ng 5 hanggang 12 araw.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -