28.1 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

Estudyanteng atleta mula VMUF, pinarangalan

- Advertisement -
- Advertisement -

GINAWARAN ng plaque of recognition ang mga estudyanteng atleta mula sa Virgen Milagrosa University Foundation (VMUF) para sa kanilang huwarang pagganap sa Regular Session sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Session Hall noong Lunes, Oktubre 2.

Pinuri ng SP si Renier Jay Ranges, isang incoming Grade 12 student mula sa VMUF sa San Carlos City, Pangasinan sa pagiging gold medalist sa 100-meter dash at silver medalist din sa 200-meter dash sa Athletic Secondary Boys noong 2023 Palarong Pambansa na ginanap sa Marikina, Metro Manila.

Sa tulong ng kanyang coach at sports director na si Dante Camaso, nanguna si Ranges sa 100-meter dash na may oras na 11.9 na segundo.

Ang Palarong Pambansa ay nilahukan ng may 9,172 atleta, coach at opisyal mula sa 17 rehiyon ng bansa na sumali sa iba’t ibang sporting event at aktibidad.

Pinapurihan din ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pamumuno ni Vice Governor Mark Ronald DG. Pinuri ni Lambino ang lahat ng 3rd District of Pangasinan student athletes ng VMUF sa pagkapanalo sa katatapos na 2023 Private Schools Athletic Associations o PRISAA national games na ginanap sa Zamboanga City.

Ginanap noong Hulyo 13-19, 2023, ang kaganapan ay nilahukan ng higit sa 6,000 mga atleta mula sa 437 mga paaralan, kolehiyo at unibersidad.

Ang mga kabataang atleta ng VMUF ay nakakuha ng ginto, pilak at tanso mula sa mga kumpetisyon sa athletic tulad ng Athletics (Secondary Girls); Athletics Men (Tertiary) at Athletics Women (Tertiary).

Ang pagkilala ay isinagawa kaugnay sa dalawang Provincial Resolution na inihain noong Agosto 14, 2023 ni SPM Vici Ventanilla ng ikatlong distrito.

Si Ventanilla, may-akda ng nabanggit na Resolutions ay binati rin at pinuri mismo ng kanyang mga kasamahan matapos tanghalin bilang Asia’s Most Exemplary Leader at Man of Excellence in Public Service of the Year sa Bangkok, Thailand noong Setyembre 25, 2023.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -